Death Penalty: Ka Ilangan Ba Itong I-Balik?

1077

Ang bagong administrayon sa ilalim ng pamumuno ni Presidente Rodrigo Duterte ang nag tatalakay ng pag balik ng parusang mangkamatayan. Ang plano niyang I balik ang hatol ay isang inisyatibo para ma ibsan ang laban kontra sa illegal na droga. Para man sa kabutihan ng bansa, ang president ay binatikos nga kritisismo at pangungutya dahil marami pa rin ang tutol dito.

Noong 2016, tinalakay ni Presidente Duterte ang parusang pangkamayatan. Ayon sa kanya, pag na apribahan ito, kaya niya itong gawin araw araw kung saan anim na kriminal any kaya niyang patayin. Maraming rason kung bakit kailangan ibalik ang parusang pangkamatayan, pero isa sa pina ka unang rason ay ang talamak nap ag laganap ng kalakalan ng illegal na droga at ang mga krimen na dinudulot nito. Naging Malaki din ang isyu ng terrorismo sa bansa, kasama na ito ang mga krimen katulad ng pangagahasa, pag hold-up at pag nanakaw.

Ang pag balik ng death penalty ay isa sa mga paraan upang matapos ang pag laganap ng krimen sa bansa. Ayon kay President Duterte, kailangan ang ang death penalty para ma takot ang mga masasamang loob.

Parusang Pangkamatayan Epektibong Pananakot?

Terrorismo at mga krimen na dulot ng droga ay naging malaking prblema sa bansa, at isa sa mga proyekto ng Presidente at tapusin o ibsan ang problema sa krimen. Nung panahon ng kampanya, naitalakay ni Duterte ang posbilidad na I balik ang parusang pangkamatayan.

Nung Hulyo lamang, nang bilinigay ng Presidente ang kanyang SONA, tinalakay niya din ang parusang pangkamatayan. Ayon sa kanya, ang Pilipinas ay nagangailangan ng mas mabigat na parusa para sa mga kriminal ang mga masasamang loob. Kailangang sundin ang konsepto ng “an eye for an eye, a tooth for a tooth.” Bawat kriminal na makaka kuha ng buhay ng kanilang biktima ay kailangan ding makunan ng buhay.

“It is time for us to fulfill our mandate to protect our people. Tapos na ‘yan. For so long we have to act decisively on this contentious issue. Capital punishment is not only about deterrence, it’s also about retribution, our criminal system uses the revised penal code. That is a law given to us by the Spaniards, the original revised penal code, though it was translated into English. And those two books, the definition of crimes and the penalties and everything, and the thrust of that revised penal code, ladies, and gentlemen, is the essence of retribution. That is why you have penalty,” sabi ng Presidente nung kanyang talumpati.

Lethal Injection o Bitay?

Hindi pa rin na aprubahan ng senado ang pag balik ng parusang pangkamatayan. Pero sap ag diklara nito bilang isang capital punishment ay napaka importante dahil Malaki ang tulong na pwede nitong ma-I dulot. Liban sap ag balik ng death penalty, hindi pa rin napag usapan kung anong klasang hatol ang gawin, lethal injection ba o pag bitay.

Ayon kay Duterte, mas gusto niyang parusa ang pag bitay, hindi man ito makatao para sa iba, pero ayon sa kanya, kailangan ito para sa mga kriminal. Dagdag pa ng Presidente na karamihan sa mga kriminal na gumamit ng illegal na droga ay hindi na makatao.

“They say that death penalty is inhuman. But what is so human about killing an 18-year-old child or raping her? Drugs have reduced human killing into a bestial state,” sabi ni Duterte. “If there is the death penalty, you won’t be afraid anymore because you will be killed.”

Kailangan Ba Talagang Ipatupad ang Parusang Pangkamatayan?

Karamihan sa mga tutol sa hatol ng gobyerno ay ang mga aktibista at ibang sector ng karapatang pang tao. Ayon sa kanila, bawat tao, kait kriminal ay may karapatang mabuhay, mabigyan ng bagong pag asa at mabigyan ng bagong kinabuhasan.

Marami man ang hindi sangayon, ang mga mambabatas mismo ang gustong ipa tupad ito ubang ma ibsan ang krimen.

Bilang mag babasa, bilang Pilipino, ano ang sariling opinyon mo tungkol sa parusang pangkamatayan> sa tingin mob a kailangan ito? O hindi ito makatao? Gusto naming malaman ang inyong opinyon at komento tugkol sa death pentalty.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here