Dear Maria: Walang kuwenta ang Asawa ko!

131

Dear Maria, Napakalaki ng pagsisisi ko dahil pinakasalan ko ang mister ko. Akala ko kasi ay magiging maayos ang buhay namin. Mayaman nga ang kanyang pamilya pero siya naman ay tamad kaya hindi rin siya pinagkakatiwalaan ng parents niya sa kanilang business. Hay, gusto ko na siyang hiwalayan. — Guia

Guia, Puwedeng-pwede mo naman gawin iyon, kung talagang gusto mo. Ang tanong lang, kaya mo ba talaga siyang hiwalayan? Kung sasabihin mo kasing oo, dapat ay ginawa mo na. Bakit, hindi pa? Ah, sa palagay ko ay naglalabas ka lang naman ng sama ng loob kaya makabubuti talaga na ikaw ay mapayuhan ng maganda. Nang pakasalan mo ang iyong asawa, hindi mo ba alam na tamad siya? Sigurado ako na napapansin mong wala siyang ginawa sa kanyang buhay kundi ang lapitan ka, kaya nga masyado kaang kinilig at kahit na alam mong tamad siya ay pinakasalan mo pa rin siya. Siguro nga ay naisip mo na kahit naman hindi siya magtrabaho ay may ipapakain siya sa’yo dahil sa mayaman ang kanyang pamilya.

Kung ganoon nga ang naisip mo, sobrang laki ng pagkakamali mo. Kaso, mahal mo siya, di ba? Kaya, dapat lang na magtiis ka na. ‘Yan ay kung mahal mo pa siya talaga. Kung hindi na kasi tumitibok ang puso mo para sa’yong asawa, lahat talaga ng kapintasan niya ay magagawa mo ng isipin.

Kaya, bago ka rindesisyon, mag-isip kang mabuti. Kung mahal mo siya, kahit gaano kakonti, may pag-asa pang maayos ‘yan. Problema lang kung mayroon ka ng ibang mahal. Aba, hindi mo pa rin basta-basta maiiwan ang asawa mo lalo na’t kasal ka. Kung makikipagrelasyon ka sa iba, baka naman mabulok ka sa bilangguan. Tandaan mo, mayaman pa rin ang pamilya ng mister mo.

SHARE
Previous articleSwak na regalo sa Pasko
Next articleANG MISTERYO NG PINAHIRANG KERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here