Dear Maria: Tips para malimutan ni Mister ang Kabit

89

Dear Maria,

Bigyan naman po ninyo ako ng paraan para makalimutan ng mister ko ang kanyang kabit. Sabi naman ng asawa ko ay ayaw na niya sa girl pero gusto ko talagang makasigurado.

Betty

Betty,

Kung talagang gusto mong makalimutan ng asawa mo ang kanyang naging kabit, gawin mo ang responsibilidad mo bilang misis. Maging responsable kang asawa, dapat ay asikasuhin mo siya at ang kanyang mga pangangailangan. Maaaring kaya siya naghanap ng iba noon ay dahil naging iresponsable ka kaya ngayong nagkaroon ka na ng panibagong pagkakataon, huwag ka na maging pabaya.

Mahalin at irespeto mo ang iyong asawa. Hindi sapat iyong nagsasabi ka lang palagi ng ‘I love you’, dapat ay patunayan mo na mahal mo siya. Magagawa mo lang iyon kung tatanggapin mo pati ang mga pagkukulang at kamalian niya. Wala naman talagang taong  perpekto, lahat tayo ay nagkakamali. Ang importante inamin ng mister mo ang pagkakamali niya at willing siyang ituwid ang pagkakamali na iyon.

Sana ay tuluyan mo na talaga siyang napatawad dahil kung di pa, baka naman kapag nag away kayo ay makukuha mo lang isumbat sa kanya ang naging pagkakamali niya. Kung iyon ang gagawin mo, baka naman lagi lang kayong mag aaway at mauwi kayo sa hiwalayan pagkaraan.

Importante talaga na magkaroon kayo ng bonding bilang panibagong simula ng inyong pagsasama.

MAG

SHARE
Previous articlePamahiin Utang: Huwag kang Magbabayad sa Gabi
Next articleANG SUWERTENG HATID NG WATER FOUNTAIN SA NEGOSYO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here