Dear Maria: Nagdo-droga si Labs

33

Dear Maria, Mahal na mahal ko ang girlfriend ko kaya gusto ko sabayan ang trip niya, kaso ayoko namang dumepende na lang sa droga kapag may problema. Sabihin ninyo sa akin kung ano ang dapat kong gawin. — Ramon

Ramon, Kung alam mong mali ang mag-droga, bakit mo gagawin? Mag-isip ka nga. Hindi porke mahal mo ang isang tao ay susundin mo ang lahat ng trip niya, pati ang mag-droga. Ikaw din ang kawawa niyan pagnagkataon dahil masisira mo rin ang iyong buhay. Gusto mo ba talaga iyon? Kung mahal mo ang isang tao, ikaw ang gagawa ng paraan para hindi siya tuluyang malugmok sa kanyang trip. Kaya kailangan ay isipin mo rin kung ano ba ang makabubuti. Iligtas mo siya sa lalo pa niyang pagkagumon sa droga. Ganoon ang tunay na nagmamahal.

Kung ikaw ay namumublema, hanapan mo ng solusyon. Hindi maaari iyong droga ang babalingan mo. Kapag kasi nawala na ang tama mo sa drugs, sigurado namang nandyan pa rin ang problema kaya makabubuti pang hanapan mo na lang ng solusyon. Pakatandaan mo rin, kung ikaw ay malululong sa droga, maaaring mayroon kang kalagyan. Alam mo naman siguro ang target ng ating presidente, ang lipulin ang mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. So, tanungin mo ang sarili mo, ready ka na bang mag-goodbye sa mundong ito?

Ramon, may panahon pa para ikaw ay makaligtas sa pagkagumon sa droga. Hayan nga at nagagawa mo pang mapag-isipan na ang pagdu-droga ay talagang makakasama sa’yong buhay. Kaya, ang mabuti mong gawin ay umiwas. Kung talagang gusto mong mabago pa ang girlfriend mo, makabubuting iligtas mo na siya at huwag na samahan pa. Dalhin mo siya sa Rehabilitation Center para siya ay magamot pa.

Huwag kang mawalan ng pag-asa. Pirmi mong tatandaan na habang ikaw ay nabubuhay ay mayroong pag-asa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here