Dear Maria May 28: Ginayuma ng kabit si Mister

0
617

 

Tunghayan sa Dear Maria May 28 ang mabigat ng problema ni Sugatang Puso.  

Dear Maria.

Ang asawa ko po ay ginayuma ng babae. Ano ang aking gagawin? – Sugatang Puso

 

Sugatang Puso,  

Ang ibig mo bang sabihin ay nakalimutan ka na ng mister mo dahil sa babaeng nanggayuma sa kanya? Ang bigat naman sa dibdib ng ipinahayag mo. Ang ibig kasing sabihin niyan, hindi mo kapiling ang mister mo. O kung hindi man, kasama mo nga siya pero ibang babae ang laman ng kanyang puso’t isipan.  

Ouch, ang sakit! 

Huwag mo naman isipin na iniinis pa kita sa pagkabigkas ko ng mga salitang ito. Talaga naman kasing napakasakit ‘yung ikaw nga ang asawa pero hindi naman ikaw gustong kapiling. Kung talaga ngang nagayuma ang iyong asawa, makabubuting lumapit ka sa taong makakatulong sa’yo Albularyo halimbawa. Baka kasi siya lang ang makakatulong sa’yo para mawala ang panggagayuma ng babae sa’yong asawa. 

Pero, talaga nga bang nagayuma na siya? Baka naman kasi pinapaniwala mo lang ang iyong sarili sa isang sitwasyon na hindi naman totoo. Paano kung na-in love talaga ang iyong asawa sa ibang babae. Hindi nga kaya dapat mo na siyang pawalan. Alright, hindi ganoon kadali ang aking sinabi. Mister mo siya kaya dapat mo talaga siyang ipaglaban. Kaya nga ipinapayo ko sa’yong kailangang matanggal ang panggagayuma ng babae.  

Kung sakali na walang epekto ang tulong ng albularyo, tiyak na nagdadahilan lang talaga ang mister mo. O baka naman may dahilan din kaya nanabang na siya sa inyong relasyon Mag-isip ka muna ng mabuti kung may awa ka sa sarili mo. Dapat ka ring magpakatatag kahit malaman mo ang totoo.  

Sa pagkakaalam ko kasi, ang epekto naman ng gayuma ay pansamantala lang. Kapag titingnan ka ng asawa mo ay dapat din niyang ma-realize na mayroon siyang nadaramang hindi tama saka dapat ay mangingibabaw ang pag-ibig niya sa’yo. Kaya naman naisip kong baka nga nagkamali ka ng akala. Baka pinalalabas lang ng mister mo na nagayuma siya para mabigyan ng katwiran ang relasyon nila ng babae.

 

Kahit mahal na mahal mo ang iyong mister, sana naman ay alam mo rin kung kailan ka ba susuko. Mag-usap kayo. Pag-usapan ninyo ang inyong sitwasyon at sa huli ay mag-decide ka na kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa’yong buhay. Kung maryoon ka kasing anak o mga anak sana naman sa kanila mo ituon ang iyong atensyon.

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here