Dear Maria May 24: Single mom na naguguluhan

0
342
Dear Maria: Advice column on PhilippineOne

Sa Dear Maria May 24 ay alamin natin ang pinagdaraanan ng isang ina.

 

Dear Maria,
Hiwalay na po kami ng ama ng anak ko dahil sobrang  babaero.Ngayon po may nakilala po akong lalaki pero naguguluhan po ako sa kanya. Iiwasan ko na ba siya? Nag-a-apply din ako abroad para sa anak ko kaya lang parang may pumipigil sa akin. May inaantay din po akong work sa Makati maganda  ang benifits. Parang mas gusto ko po kasi du’n para makasama ko ang aking anak. Ano po ba ang dapat kong gawin?  — Melisa

 

Melisa,

Talagang mahirap malayo sa anak kaya kung makapagtatrabaho ka naman dito sa Pilipinas, dito ka na lang. Isipin mo rin kasi, paano ang anak mo? Kanino mo siya iiwan? Napakahirap isipin na hindi mo siya makakasama sa araw-araw. Hindi mo pa siya magagawang gabayan at iyon ay labis na nagpapahirap sa kalooban ng isang ina. Kaya nga lang, paano kung hindi ka matanggap sa tina-target mong trabaho sa Makati?

Sabi mo nga ay hiwalay na kayo ng ama ng anak mo kaya ang tanong ko, sinusuportahan ba niya ang kanyang anak? Bilang ama, dapat lang sana na suportahan niya ang kanyang anak kaya lang, may pagkakataon na napakahirap namang pilitin ang isang tao. Maliban na lamang kung dadalhin mo ito sa korte. Kaya lang, baka magsayang ka lang ng pagod kung wala naman siyang maitutulong sa’yo.

Dito sa Pilipinas, parang laging nakakawala sa responsibilidad ang lalaki lalo’t hindi naman siya kasal at hindi siya responsableng ama. Ay naku, masyado na yata tayong lumalayo sa tanong mo kaya dapat lang na bumalik tayo sa usapan. Kung sakaling hindi ka matanggap sa Makati, paano na? Huwag mong isipin na nagiging nega ako o dina-down kita. Ang ibig ko lang naman ay maihanda ka sa isang sitwasyon

Sa hirap ng buhay dito sa Pilipinas, parang kahit single ka ay hindi ka magkakaroon ng malwang pamumuhay. Kaya, mas mahirap kung may anak ka tapos single mom ka. Kaya, kung may mapagkakatiwalaan ka namang iwanan sa anak mo, mas maigi pa rin talaga na makipagsapalaran ka sa ibang bansa. ‘Yun nga lang, hindi naman lahat ng tao ay suwerte sa pag-a-abroad.

Dahil sa masyado ka pang busy sa anak mo, mas maiging siya muna ang pagtuunan mo ng pansin. Huwag naman ‘yung maghahanap ka ng panibagong karelasyon. Okay, mas masarap talaga iyong may katuwang ka sa buhay kaya lang, mahirap naman ‘yung makikipagrelasyon ka sa hindi mo gaanong kakilala. Dapat lagi mong tandaan na mayroon ka ng anak. Siya ang dapat na maging priority mo palagi.

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here