Dear Maria: Maraming utang si Misis

Latest posts by Maria Angela Gonzales (see all)

Dear Maria, Naiinis ako sa aking misis dahil mahilig siyang mangutang at ako ay napapahiya na. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Mark

Mark,

Kausapin mo ang iyong misis. Di naman din kasi maganda ‘yung maraming utang tapos hindi naman mababayaran. Sobrang nakakahiya iyon. Teka nga pala, ano ba ang inuutang ng misis mo?

Baka naman kaya siya nangungutang ay dahil kulang ang budget na ibinibigay mo sa kanya para makakain siya ng masustansiya at ang inyong anak o mga anak, pati na rin ikaw. Kung ganu’n ang siste, di lang ikaw ang napapahiya, maging ang misis mo, kaya lang nilulunok niya ang kanyang pride para kayo ay mabuhay ng matiwasay.

Kung sasabihin mong mga gamit ang kanyang inuutang, mas maigi kung mag uusap kayo. Pwede naman kasing mag ipon muna bago bilhin ang gamit na nagustuhan. Sa pamamagitan noon ay mas makakatipid kayo. Mas mahal kasi ang mga gamit kapag inutang lang. Doble pa nga minsan ang presyo kaya mas maigi talaga kung bibili na lang ng cash.

May mga pagkakataon naman na kahit di kailangan ang gamit ay bili lang ng bili. Pwedeng mayroon siyang pinagdaraanan at ang napagbabalingan lang niya ay ang pangugutang. Kaya, maiging mag usap kayo ni misis mo ng puso sa puso. Ipaalam mo rin sa kanya ang nararamdaman mo. Baka sa pamamagitan nito ay magbago na siya.

O, sana ay nakatulong sa’yo itong mga payo ko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here