Dear Maria: Mahal, nasaan ka na ba?

74

Dear Maria,

Bigla na lang akong iniwanan ng misis ko. Hahanapin ko pa ba siya o pababayaan ko na lang?

Jojo

Jojo,

Mas maigi pa rin kung malalaman mo ang dahilan kaya iniwan ka ng misis. Baka naman kasi kaya di siya matagpuan ay dahil naaksidente siya o may masama ng nangyari sa kanya. Makabubuti talaga kung malalaman mong okay lang siya. Tiyak ko rin na para ka ring mabubunutan ng tinik kapag nalaman mong wala namang masamang nangyari sa kanya. Iyon nga lang kung may masama siyang nagawa, tulad ng sumama sa ibang lalaki, tiyak akong sobrang sakit ang mararamdaman mo.

Marahil nga kaya ayaw mo na alamin kung nasaan siya ay dahil alam mo na naman ang sagot. Pero, kung minsan ay makabubuti pa rin kung magkakaroon ng tuldok ang inyong relasyon. Kaya lang, mahirap mangyari iyon kundi naman legal ang inyong paghihiwalay. Ibig sabihin, mahihirapan ka talagang humiwalay sa kanyang anino.

Iyon nga lang, mas maigi pa rin iyong alam mo na okay kayo. Makabubuti iyong mag uusap kayo at magkakaintindihan. Para kang mabubunutan ng tinik sa dibdib kapag nagkaayos na kayo. Kapag nagawa mo na siyang patawarin at ang iyong sarili. Sigurado naman kasi akong dama mo na may pagkukulang ka rin sa’yong kabiyak para maisipan niyang wakasan nang tuluyan ang inyong relasyon.

SHARE
Previous articleAng Parusa ng Di Nakikitang Nilalang
Next articleAng dusang mararamdaman ng mga gastador

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here