Dear Maria June 29: Labs pa rin ang mister na nambubugbog

0
310

Sa Dear Maria June 29 ay malalaman mo ang problema ni Emmie Marie.

 

Dear Maria,

Naghiwalay na po kami ng mister ko. Hindi ko na kasi kaya ang pambubugbog, pambababae, ang pagsasalita niya ng masasakit at ang pambabalewala niya sa akin. Gayunpaman, mahal ko pa rin siya at gusto kon mabuo ang pamilya namin. Magkakabalikan pa ba kami? May plano kasi akong mag-abroad kasama ang aming anak. Sa palagay ko kasi, ito ang makakabuti sa aming mag-ina. Tama po ba ang desisyon kong ito? Kailangan ko po ng advice ninyo. – Emmie Marie

 

Emmie Marie,

Sa ngayon, ang pinakamabuti mong gawin ay intindihin ang kinabukasan ninyong mag-ina. Makabubuti ngang makipagsapalaran kayo sa abroad. Baka doon ay magbago ang buhay ninyo. Kailangan nga lamang ay maging malakas ang iyong loob. Kung mawawala kasi ang lakas ng loob mo, malaki nga ang tendensiya na hindi mawala ang malas sa buhay ninyo.  

Pasensiya ka na kung ang tingin ko nga ay malas ang dati mong asawa pero iyon naman ang totoo. Kung wala kasing idinudulot na mabuti sa’yo ang lalaking iyon. Iyong tipong puro sakit lang ng katawan at kalooban ang ipinararamdam niya sa’yo, mas maigi pa talagang ibaon mo na siya sa limot. Baka kasi isang araw ay hindi lamang ‘yan ang abutin mo. Kung hindi ka maku-coma sa pambubogbog niya sa’yo, baka naman mapatay mo siya kapag nagdilim na ang paningin mo sa mga pinagdaraanan mo sa kanya.

 Kahit kasi gaano mo kamahal ang isang tao, may tendensiya pa rin na makalimutan mo ang pagmamahal at ang tanging gusto mo na lamang ay makakawala sa kanyang pananakit. Kaya, maigi na rin ‘yang magkahiwalay kayo. Sana rin ay huwag mo na naisin pang magkabalikan kayo dahil walang magandang idudulot ‘yan sa buhay ninyong mag-ina.

 Kung mahal mo ang iyong mister, mas mahalin mo ang iyong anak. Isipin mo ang kanyang kinabukasan. Mas mahirap kung ang ina niya ang mapapahamak kaya talagang makakabuti kung tangapin mo ng hindi talaga kayo ng mister mo ay para sa isa’t isa. Isipin mo na lamang na kung talagang mahal ka niya ay hindi ka niya sasaktan. Kung magpapakamartir ka, maari ngang isang araw ay bumalik pa siya sa’yo at ma-realize niya ang kanyang naging kamalian. Pero, napakaliit ng tsansa na iyon kaya huwag kang masyadong magpakabulag sa pag-ibig.  

Hindi ka na tenager para maniwala ka pa sa tunay na pag-ibid dahil si God at ang mga magulang lang natin ang makapag-alay sa atin ng tunay at wagas na pag-ibig. Kaya, mahalin mo ang anak mo. Higit ka niyang kailangan kaya siya na lamang ang pag-ukulan mo ng atensyon at pagmamahal. Huwag na taong wala naman ginawa kundi ang saktan ka.  

Ikaw, ano ang maipapayo mo sa sender ng Dear Maria June 29.

More Tanong Mo

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here