Dear Maria June 24: Mas bata si labs kaya duda sa kanilang forever

0
183
Dear Maria: Advice column on PhilippineOne

Sa Dear Maria June 24 ay malalaman mo ang tanong ni Vivz Silvano.

 

Dear Maria,

Gusto ko lamang po magtanong kung may patutunguhan ang relasyon ko sa taong mas bata sakin at ano ba ang future namin. Malayo po kami sa isat isa kaya paminsan-minsan lang magkita – Vivz Silvano 

Vivz Silvano,

Kung talagang nagmamahalan kayo ng karelasyon mo, walang dahilan para hindi kayo magtagal. Maaari pa ngang maging pang-habambuhay. Basta ang dapat ay nasa relasyon ninyo ang pangunahing sangkap sa relasyon. Ano-ano ang mga ito? Naririto. 

Una, ang pag-ibig. Kung talagang nagmamahalan kayo, kahit na magkalayo kayo, walang problema. Siguro naman ay madalas din ang komunikasyon ninyo. Dapat ang mga nangyayari sa inyo ay sinasabi ninyo. Walang masama kung idi-discuss din ninyo ang inyong problema. Kahit magkalayo kayo, basta nararamdaman ninyo ang presence ng isa’t isa, hindi magigiba ang inyong pag-iibigan.  

Pangalawa, ang tiwala. Makabubuti kung ibinibigay mo sa kanya ang iyong tiwala. Sa pamamagitan niyan ay naipapadama mo rin sa kanya ang iyong pagmamahal. Kung duda ka sa kanya, bakit hindi mo siya tanungin? Kahit naman sa simpleng pagtatanong ay malalaman mo kung siya nga ba ay karapat dapat na pagkatiwalaan. Kung mapapatunayan mo na hindi nga siya karapat dapat pagkatiwalaan, tanungin mo na ang sarili mo kung bakit ka pa nagtitiyaga.  

Pangatlo, ang respeto. Kahit pa magkalayo kayo, dapat iginagalang n’yo pa rin ang inyong relasyon. Kailangan, wala kayong ie-entertain na iba. Dahil kapag hinayaan mo ang iyong sarili o ng partner mo na may ibang papasok sa inyong relasyon, hindi ‘yan magtatagal ng pang habambuhay.  

Kaya, sa tanong mo, masasabi kong wala ‘yan sa edad basta nagmamahalan kayo. Kailangan din siyempre may tiwala at respeto kayo sa isa’t isa dahil kapag ang isa sa mga importanteng sangkap na ‘yan ang nasira, maglalaho din ang relasyon ninyo. At dahil nga hindi mo gustong mangyari iyon, susundin mo ang mga ito.  

Para hindi ka na magduda sa kanya dapat lagi ang komunikasyon ninyo. Doon ay magagawa mong maipadama sa kanya ang iyong pagmamahal. Kapag naramdaman niyang pinagkakatiwalan at nirerespeto mo siya, tinitiyak ko sa’yo na hindi rin niya nanaisin na masira ang inyong relasyon. Kalimitan kasi, ang gusto ng mga lalaki, pinagkakatiwalaan at nirerespeto sila. At tiyak ko na ganoon din ang gusto ng iyong karelasyon.  

Kaya, mag-send ka sa kanya ng mga sweet messages. Ngunit, hindi naman porke nag-send ka ng message ie-expect mo ng magre-reply siya. Huwag ganoon, siyempre. Kung ganoon kasi gagawin mo, mag-away lang kayo.  

O, sana ay may natutunan ka sa Dear Maria June 24.          

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here