Dear Maria June 16: Single pa rin kahit maganda

0
179
Dear Maria: Advice column on PhilippineOne

Tunghayan natin sa Dear Maria June 16 ang problema ni Glaiza Pacampara.

 

Dear Maria,

Natatakot akong hindi magkaroon ng pamilya dahil naunahan na ako ng aming bunso. Marami ang nagsasabi na maganda naman ako pero bakit single pa rin ako? – Glaiza Pacampara

 

Glaiza Pacampara,

Sabi nga ng marami kapag naunahan ka ng magpakasal ng nakababata sa’yo ay maaaring hindi ka na makapag-asawa pa. Gayunman, maaari namang hindi magkatotoo ito kaya huwag ka munang mawalan ng pag-asa. Sabi nga, habang may buhay ay mayroong pag-asa.

Baka naman kasi lagi kang nakakulong sa bahay mo. Kung ganoon, huwag kang magtaka kung bakit hindi ka nakakatagpo ng boyfriend. Paano mo ba naman kasi makikilala ang lalaking magkakagusto sa’yo kung hindi magtatagpo ang landas ninyo?

 

Kaya, lumabas-labas ka rin minsan. Kung ikaw naman ay laging nasa labas na at hindi ka pa rin nakakakita ng lalaking magkakagusto sa’yo, makabubuti kung humarap ka sa salamin. Kahit naman sinabi mong maganda ka pati na rin ang mga tao na nasa paligid mo, hindi pa rin sapat iyon. Kailangan siyempreng marunong ka ring mag-ayos sa’yong sarili. ‘Yang mga lalaki na ‘yan kasi, ang hinahanap nila sa babae ay iyong maganda, seksi at magaling pumorma. Baka naman kasi sablay ka sa outfit.

 

Hindi ko naman sinasabing magbago ka talaga ng hitsura. Iyong tipong kahit iba ang gusto mong porma ay babaguhin mo talaga para makahanap ka ng lalaking papansin sa’yo. Isang malaking kalokohan iyon para sa akin. Mas maigi pa rin kasi talaga kung magugustuhan ka ng isang lalaki bilang ikaw dahil kalimitan, pumapalpak ang lovelife kapag nabuhay ka sa pagkukunwari sa simula pa lang. Alalahanin mo, ang mga nakasanayan ay talagang mahirap baguhin.

Teka nga pala, bakit naman nakatuon ka lang yata sa’yong lovelife. Kailangan mong malaman na hindi dapat nakatuon lang sa pag-ibig ang iyong atensyon. Marami ka pang maaaring pagkaabalahan diyan kagaya na lamang ng pagtupad mo sa’yong pangarap. Huwag mo rin sanang isipin na hindi porke single ka ay hindi ka na magiging matagumpay sa buhay. Ikaw ang gagawa ng sarili mong daan para mag-succeed ka, tandaan mo ‘yan.

Marami diyan na nagkaroon nga ng ka-partner pero, happy ba? Maaaring sa simula, ‘oo’ pero nang lumaon, naging miserable na. Kaya, huwag mong isipin na porke hindi mo pa nakikilala ang lalaking magkakagusto sa’yo, magtatampo ka na sa Kanya. Maari naman kasing inihahanda ka lang niya para sa karapat-dapat na lalaki para sa’yo.

Kung sakali namang hindi dumating ang lalaki na iyon, tanggapin mo. Si God lang naman kasi ang makakapagsabi kung talaga nga bang swak ka na magkaroon ng kasama sa buhay o baka naman mas maging okay pa na single ka na lang.

 

Sana ay nasiyahan kayo sa pagbasa sa Dear Maria June 16.

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here