Dear Maria June 15: Hindi maintindihan si Mister

0
77
Dear Maria: Advice column on PhilippineOne

Tunghayan ninyo sa Dear Maria June 15 ang problema ni Eilrig Adatnall

 

Dear Maria,

Hindi ko maintindihan ang aking mister. Lagi niyang sinasabi na maghihiwalay kami, nu’n namang pumapayag akong maghiwalay kami, ayaw naman. Ano ba talaga? – Eilrig Adatnal

 

Eilrig Adatnal,

Ibig lang sabihin noon, takot din siyang mawala ka sa kanyang buhay. Pero, dapat nga bang magsaya ka? Siyempre, depende rin ‘yan sa inyong sitwasyon. Hindi mo naman kasi nagawang sabihin kung ano ba ang sitwasyon ninyong mag-asawa.

Pareho ba kayong mayroong trabaho? Kung sasabihin mong pareho naman kayong mayroong pinagkakakitaan, baka nga talagang mahal ka niya. Kahit naman kasi magkahiwalay kayo, mayroon kang ipagmamalaki sa kanya. Kung ikaw naman ang walang trabaho, maaaring kaya niya sinasabi na maghihiwalay kayo dahil gusto lang niyang takutin ka. Pupuwedeng gusto niyang maramdaman na lagi mo siyang kakailanganin ngunit hindi ibig sabihin noon, gugustuhin niyang maghiwalay kayo. Kung siya naman ang walang trabaho, malinaw na kaya ayaw niyang magkahiwalay kayo ay dahil sa’yo siya umasa. Kung sakali namang ganyan nga ang sitwasyon, mas maigi pa ngang hiwalayan mo siya dahil sakit lang siya ng ulo.

Kaya, timbangin mo rin ang sitwasyon, baka naman kaya niya sinasabi na ‘maghiwalay kayo’ ay dahil naghahanap lang siya ng lambing. Baka naman pakiramdam niya ay kulang na kulang ang pagmamahal mo sa kanya. Kung ganoon, sana naman ay ibigay mo rin ang atensyon at pagmamahal na kanyang hinahanap.

Alam mo, ang mga lalaking ‘yan ay para ring mga bata kung umasta. Ibig sabihin, masyadong KSP o kulang sa pansin. Gusto nilang maramdaman na sila ang knight in shining armour ng kanilang mga karelasyon. Sa madaling salita, nais nilang marinig lagi sa partner nila na kailangan sila nito. Kaya, ipadama mo iyon sa kanya. Kung hindi, baka naman maghanap siya ng iba.

Hindi ko naman sinasabi ito para ikaw ay takutin lang. Malaki ang posibilidad na mangyari iyon dahil nga karamihan sa mga mister ay mapaghanap at laging kinakawayan ng tukso. Hahayan mo bang mangyari iyon?

Kung mahal mo din ang mister mo, sa halip na sabihin mong ‘sige, payag akong makipaghiwalay’, i-reverse psychology mo siya. Ibig sabihin, mas ipadama mo sa kanya na mahal mo siya. Kapag naramdaman niya ang pagmamahal at pag-asikaso mo sa kanya, hindi na siya maghahamon pa sa’yo ng hiwalayan.

Kaya, sana naman ay mag-usap kayo. Heart to heart talk. May mga pagkakataon kasing kapag masyado na kayong abala sa trabaho ay nakakalimutan na ninyong maglaan ng oras para sa isa’t isa.

O, sana naman ay natulungan kitang mabigyang solusyon ang problema mo dito sa Dear Maria June 15.

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here