Dear Maria July 8: Advance mag-isip si Misis

0
250

Tunghayan ang Dear Maria July 8.

 

 

Dear Maria,

Natatakot akong iwanan ng aking mister. Hindi pa kami nagkakaanak. Nitong huli, akala namin ay buntis na ako pero false alarm na naman. Natatakot na tuloy akong baka iwanan ako ng asawa ko dahil pinaasa ko na naman siya.  — Michelle Angela Bayadog Taob-Castillo

 

Michelle Angela Bayadog Taob-Castillo,

Kung mahal ka ng mister mo, hindi niya iisiping iwanan ka. Oo nga’t lahat ng mag-asawa ay gustong magkaanak ngunit hindi naman iyon dapat maging basehan ng paghihiwalay ‘yung hindi pa kayo nagkakaanak. Relax ka nga muna riyan. Huwag kang masyadong advance mag-isip at ang sarili mo lang ang pinahihirapan mo niyan.  

Sa tingin ko ay hindi kayo nag-usap masyado ng mister mo kaya ang dibdib mo ay punung-puno ng takot. Ang payo ko sa’yo, mag-usap kayong mag-asawa. Lahat ng takot na nararamdaman mo ay sabihin mo sa kanya. Makabubuti kasi kung hindi lang sa kama nagtatapos ang relasyon ninyo. Ibig kong sabihin, dapat lahat ng nararamdaman at inisip ng bawat isa ay alam inyo dahil nga mag-asawa kayo kaya’t nararapat lang na wala kayong lihim sa isa’t isa.  

Sana rin naman, huwag ninyong pasahin agad ang inyong mga sarili. Maaari naman kasing magpunta kayo sa doktor, alamin kung bakit hindi kayo nagkakaanak. Baka naman kasi may problema kaya hindi kayo nakakabuo. Maaari ngang nakakaramdam ka na ng takot dahil doon pero kailangan mo iyong paglabanan. Mas maigi ng habang maaga pa ay malaman na ninyo kung ano ba ang dapat ninyong gawin.  

Kung sakali ngang hindi kayo magkakaanak, bakit naman sa hiwalayan agad ang tungo ninyo? Hindi ba nagsumpaan naman kayo na magsasama habang buhay? Tulad nga ng nabanggit ko kanina, huwag kang masyadong advance mag-isip, sarili mo lang ang tinatakot mo. Hindi ka naman siguro pakakasalan ng mister mo kung hindi buo ang pagmamahal niya sa’yo. Sa tingin ko lang maaaring mawalan ng gana sa’yo ang karelasyon mo kapag nagsinungaling ka sa kanya. Kahit gaano ka kasi kamahal ng karelasyon mo kung nagawa mong magsinungaling sa kanya, sapat na ‘yon para mawalan siya ng gana. Gayunman, naniniwala pa rin ako na magkakaayos kayo sa sorry. 

 Kung sakali rin na may di kayo pagkakaunawaan, makabubuti pa rin na gagampanan mo ang papel mo sa kanya bilang asawa. Kung pinagsisilbihan mo siya, tiyak kong lalambot din ang kanyang puso. At kahit na may mga pinagdadanan kayo, hindi niya maiisipan na hiwalayan ka.  

Salamat sa pagbasa ng Dear Maria July 8.

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here