Dear Maria July 6: Binlock ng ka-LDR

0
244

Tunghayan ang Dear Maria July 6.  

Dear Maria,

Hindi na nagpaparamdam sa akin ang ka-LDR ko. Binlock na niya ako. Dapat po bang huminto na ako sa paghihintay at kalimutan na siya? May nakalaan pa ba sa akin na higit sa kanya? October 21, 1965 ang birthday ko at ang ka-LDR ko ay May 21, 1970.  – Maria Cecille Salonga 

 

Maria Cecille Salonga,

 Sa palagay ko, dapat mo na talaga siyang kalimutan. Tulad nga ng sinabi mo, binlock ka na niya.

Ibig lang sabihin noon, ayaw na niyang ipagpatuloy ang inyong relasyon. Ano nga bang klaseng relasyon? Alam kong sobra kang umasa na magkakaroon ka pa ng ka-forever. Lahat naman yata ng tao ay gustong magkaroon ng kasama sa buhay. Kaya lang, hindi lahat ay nagtatagumpay. Kaya, dapat ay tanggapin mo rin ang iyong kapalaran.

Hindi naman porke nag-iisa ka lang sa mundo ay malungkot ka na. Pupuwede ka pa rin naman ang maging masaya. Kung minsan kasi, kaya ka magiging masaya ay dahil hindi ka nagiging kontento sa’yong buhay. Dapat ay maging kontento ka. Dahil kahit hindi maging magarbo ang buhay mo kung tanggap mo kung ano ang mayroon ka, magiging masaya ka pa rin.

 Hindi naman masamang umasa na magkakaroon ka pa ng makakasama sa buhay pero hindi naman dapat doon na lamang umikot ang iyong mundo. Kung mayroon kang kapamilya pa, bakit hindi mo sa kanila ibaling ang iyong atensyon? Kapag nagawa mong makatulong sa kanila, siguradong makakamit mo rin ang kaligayahan. Maring hindi tulad ng kilig na hinahanap mo pero nakatitiyak ako na higit kang magiging masaya riyan.

 Kung pipiliin mo pa kasing magkaroon ng kasama sa buhay, tanungin mo muna ang sarili mo kung handa ka pa rin bang masaktan dahil tiyak na ganoon ang mangyayari? Sa edad mo kasing ‘yan, mahihirapan ka na talagang makatagpo ng tunay na magmamahal sa’yo. Pasensiya ka na kung masakit ang tinuran ko pero iyon ang totoo at dapat mo ring tanggapin. Kung sakali mang may dumating sa’yong buhay, huwag ka pa rin magpabigla-bigla. Kailangan mo pa rin siyang kilalanin para hindi masaktan

 Gaya na lamang niyang ka-LDR mo, dahil umasa ka na may patutunguhan ang inyong relasyon, sobra ka tuloy nasaktan ngayon. Kaya, dapat, mas maigi pang ituon mo na lamang ang iyong atensyon sa’yong buhay. Makabubuting maging kontento ka na rin sa kung anong mayroon ka at sa mga nakapaligid sa’yo.

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here