Dear Maria July 4: Labanan ang ‘paghihirap’

0
170

Sa Dear Maria July 4 ay payuhan natin si Ynah Hernandez.

 

Dear Maria,

Magmula nang umalis ang aking ka-live in, nawalan na ako ng gana sa buhay. Hindi na ako nakakapagtrabaho. Bihira na akong kumain. Hindi na ako halos lumalabas ng bahay. Lagi na lang akong nakahiga. Gusto kong matulog.Parang gusto ko na lang mawala sa mundo. Gusto kong may makausap. Ano ba ang aking gagawin?

Ynah Hernandez

  

Ynah Hernandez,

Kailangan mong tanggapin na wala na kayo. Maari ngang mahirap dahil mahal na mahal mo ang ex mo kaya lang wala ka na rin naman magagawa, umalis na siya. Sabi mo, gusto mo na lang mawala sa mundo. Naku, isang malaking kalokohan ‘yan. Huwag mong isipin na porke nawala na siya sa buhay mo ay maggi-give up ka na. Marami pa naman kasing maaring mangyari sa’yong buhay.  

Sa palagay ko ay nadi-depress ka na sa buhay mo. Huwag. Masarap pang mabuhay. Marami ka pang maaaring gawin. Sa tingin ko talaga ay kailangan mo ng makakausap. Makabubuti sana kung mayroon kang kapamilya o kamag-anak na dumaramay sa’yo ngayon pero sa tingin ko ay masyado kang malihim. Mas gusto mo pang itago na lamang ang nararamdaman mo kaysa ibahagi mo sa iba. Kaya nga, mas ginusto mo na lamang na magbahagi sa ibang tao ng iyong problema.  

Ang masasabi ko naman, ikinagagalak kong matulungan ka. Dapat naman kasi talagang mailabas mo ang nararamdaman mo dahil kung hindi mo ‘yan maibabahagi, baka nga bigla ka na lamang sumabog na parang bulkan. Kapag nangyari iyon, malaking problema dahil baka kung anong maisipan mong gawin. Kaya sana ay sundin mo ang ilang payo ko para agad kang maka-recover.

 Una, ibaling mo ang atensyon mo sa ibang bagay. Magtrabaho ka. Kapag nagawa mo ito, ang problema mo ay unti-unti ring mawawala. Pupuwede ka ring makipagtsismisan. O kaya naman ay kumain nang kumain. Okay lang kung manaba ka. Mas maigi na iyong pagkain ang balingan mo kaysa kung ano pa.

 

Pangalawa, lahat ng bagay na makapagpapaalala sa ex mo ay iyo ng itabi. Kahit naman marami kayong magagandang alaala, makabubuti pa rin talaga kalimutan mo na dahil hindi mo na siya mababalikan pa.  

Pangatlo, makuntento ka na sa buhay mo. Kung magagawa mo ‘yan, masasabi mo na sa sarili mong okay ka na.  

Kaya nga lang, dahil nasasaktan ka pa, nanlalata ka pang ipagpatuloy ang buhay mo. Kaya nga lang, hindi maaring maging ganyan ka lang palagi. Makabubuting labanan mo rin ang paghihirap mo at isipin na marami pang magandang mangyayari sa buhay mo. Huwag ka sanang magpatalo sa pagsubok na dumarating sa buhay mo.

 

Salamat sa pagbasa ng Dear Maria July 4.

More Camille Jacinto

More I AM FILIPINO

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

More Tanong mo Sagot ko

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here