Dear Maria July 31: May forever ba sa magka-live in?

0
247

Tunghayan po natin sa Dear Maria July 31 ay tanong ni Dianajoy Yamson.

 

Dear Maria,

Magiging kami ba ng partner ko habambuhay?  – Diannajoy Yamson 

 

Diannajoy Yamson,

Kung tlagang nagmamahalan ang dalawang tao, masasabi ko na mayroon naman silang forever. ‘Yun nga lang walang kasiguraduhan na magsasama kayo habambuhay dahil wala ka namang pinanghahawakan na siya ay sa’yo at ikaw ay kanya. Sa madaling salita, hindi kayo kasal kaya magiging madali sa kanya ang pag-alsa-balutan.  

Masakit mang tanggapin pero kailangan mo itong malaman. Maaari ngang alam mo naman ang katotohanang ito kaya lang hindi mo pinapasok sa isipan mo dahil kontento ka lang sa sitwasyon ninyo. ‘Yung maligaya kayo ngayon tapos nakikita mo siya, nayayakap at nakakausap. Kaya, naiisip mo rin na mari ngang magtagal kayo habambuhay. Pero, posible nga ba iyon? Maari naman pero tulad nga ng nasabi ko, walang kasiguraduhan dahil hindi naman kayo kasal ng kinakasama mo.  

Kung talagang nais mong magsama kayo ng mahal mo, habambuhay, may ibibigay ako sa’yong tips. Maari ngang may kahirapan pero tinitiyak ko sa’yo na magiging epektibo naman kaya kung talagang nais mong magkaroon kayo ng forever ng iyong ka-live, in sundin mo ang aking mga sasabihin. At tinitiyak ko sa’yo na hindi ka lang ngayon magiging masaya kundi forever and ever. 

Una, yayain mo siya ng kasal. Ito ang magiging matibay ninyong kasunduan na ang pag-ibigan ninyo ay panghabambuhay. May mga nagsasabi na ang kasal ay kapirasong papel lang ngunit tinitiyak ko sa’yo na ang kapirasong papel na ‘yan ay tunay na mabisa. Kahit kasi ilang beses mong punitin ang papel na ‘yan, hindi mawawala ang bisa. 

Pangalawa, ang init sa relasyon ninyo ay hindi dapat maglaho. Kaya, dapat ay lagi kang magpapaganda at magpapa-sexy. Alam mo naman ang mga lalaki na ‘yan, ang tinitingnan lagi ay ang mukha at katawan. Ibig nilang ang karelasyon nila ay pirmi nilang maipagmamalaki sa lahat kaya huwag mong pababayaan ang iyong sarili. Kahit pa mayroon kayong anak, kailangan ay manatili ka pa ring maganda sa paningin ng iyong kinakasama.  

Pangatlo, kinakailangan ay lagi niyang maramdaman ang iyong pagsuporta. Ang mga kalalakihan talaga ay parang bata ‘yan. Ibig nila, maramdaman palagi ang pagsuporta mo. Huwag mo silang ida-down. Sa halip, lagi mong palalakasin ang kanilang ego dahil doon sila kumukuha ng lakas. Kung sasabihan mo siya ng masakit sa kanilang pandinig, siguradong maghahanap sila ng ibang magpapalakas sa kanila.  

O, sana naman ay nagawa kong sagutin ang iyong katanungan.  

Salamat sa pagbasa sa Dear Maria July 31.

 

More I AM FILIPINO

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here