Dear Maria July 28: Tips para magkaroon ng masayang pamilya

0
250

Tunghayan sa Dear Maria 28.

Dear Maria,

Makakamtan ko pa po ba ang masayang pamilya? – Teresita Bayungan

Teresita Bayungan,

Walang dahilan para hindi ka magkaroon ng masayang pamilya. Ang kailangan mo lang ay maging positibo palagi. Basta ang mahalaga, sundin mo ang tips na ibibigay ko sa’yo.

Una, piliin mo kung sino makakasama mo sa habambuhay. Hindi ka kasi magiging happy kung hindi matinong lalaki ang iyong pipiliin. Kaya, hindi dapat puso ang lagi mong paiiralin, kailangang gamitin mo rin ang isip mo.

Mabait ba ang mapapangasawa mo? Huwag kang makuntento sa kanyang kaguwapuhan. Tandaan mo, darating ang araw na maglalaho rin ‘yan. Samantalang kung ang partner mo ay may mabuting puso, tinitiyak ko sa’yong magiging masaya ka palagi.

Pangalawa, usaping salapi. Kung mag asawa ka tiyakin mong siya ay mayroong permanenteng trabaho. Huwag kang mag asawa ng hindi nakapagtapos, walang trabaho at may bisyo. Tiyak kasing magkakaroon ka ng miserableng buhay.

Isipin mo na lang na mahirap ang buhay dito sa Pilipinas, hindi ka mabubuhay ng walang trabaho. Kaya, kung nais mong maging masaya, tiyakin mong hindi ka magkakaroon ng problema sa salapi. Kailangan mo ring tandaan na ang salapi ang nagpapainog sa mundo. Kung may pera ka, mabibili mo ang gusto mo at may magagamit ka kung sakaling may emergency. Kaya, importanteng mag-impok ka.

Pangatlo,ang mga sangkap sa pagsasama. Pag-ibig, respeto at tiwala. Ang mga ito ang pangunahing sangkap sa pagpapamilya. Tandaan,kung isa sa mga ito ang mawawala, hindi magtatagumpay ang inyong pagsasama. Bukod sa mga sangkap na ito, dapat din ay may mga sahog na sangkap. Ito ay iyong lambing at pag unawa na Ibinibigay ng mag-partner sa isa’t isa. O, sana ay nakatulong ako sa tanong mo kung paano magkakaroon ng masayang pamilya.

Salamat sa pagbasa sa Dear Maria July 28.

More I AM FILIPINO

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here