Dear Maria: Insecure sa Ex ni Labs

89

Dear Maria,

Laging ikinukuwento sa akin ng boyfriend ko ang ex girlfriend niya kaya di ko mapigilan ang ma insecure. Feeling ko kasi kapag nagkaroon ng pagkakataon, magkakabalikan sila. Sabihin ninyo sa akin kung ano ang dapat kong gawin.  

Yana

Yana,

Diretsahan mong sabihin dyan sa boyfriend mo na di niya dapat ikinukuwento pa sa’yo ang tungkol sa kanyang ex. Baka naman kasi kulang sa sampal ang lalaking ‘yan. Patikimin mo kaya nang malakas na sampal. Baka sakaling matauhan na di niya dapat ginagawa iyon dahil ikaw na ang karelasyon niya at dapat na naka focus siya sa’yo.

Hmmm, hindi kaya sinasadya niyang sabihin iyon para maramdaman mo na gusto na niyang tapusin ang inyong relasyon. May mga lalaki kasing ayaw naman makipag break sa babae. Mas binibigyan niya ng pagkakataon ang babae na malaman ang tunay niyang nararamdaman para siya mismo ang makipaghiwalay.

O maaari rin naman na masyadong mataas ang ego niyang karelasyon mo kaya nais niya makita na nasasaktan ka. Ibig kasing sabihin nu’n mahal na mahal mo siya. Ang tanong, mahal ka ba niya? Kung mahal ka kasi niya, puprotektahan niya ang damdamin mo at di iyon ang kanyang ginagaawa.

Kaya pwede ba, hiwalayan  mo na ang lalaking ‘yan para di ka na masaktan. Pero kung masokista ka, okay ‘yan. Tandaan mo lang na marami pang iba na mas deserve sa kanya dahil mayroon pang tao na mas   magmamahal sa’yo kaya huwag mo hayaang uminog lang sa kanya ang iyong mundo.

SHARE
Previous articlePamahiin Tahanan: Masayang Samahan, Nakapagbibigay Suwerte By
Next articlePamahiin; Mga Dapat Gawin Para Hindi Kapusin Ang Handa

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here