Dear Maria: Iniwan ng syota kaya gusto na magpakamatay

110

Dear Maria,

Mahal na mahal ko po talaga si Rain kaso lang bisexual siya kaya nakipag-break siya sa akin at nanligaw ng babae. Sobra ang sakit na nararamdaman ko kaya gusto ko na magpakamatay. — Wilson

 Wilson,

Easy ka lang, huwag kang magpabigla-bigla sa sinasabi mo. Alam kong masakit ang pinagdaraanan mo ngayon lalo na’t minahal mo ng sobra si Rain kaso lang di naman lahat ng gusto mo ay masusunod. Siyempre, may sarili siyang utak at puso para sundin ang nais niya. Kung mahal mo naman siya, kailangan ay tanggapin mo iyon, masakit man sa’yo dahil di ikaw ang makakapagpaligaya sa kanya.

Nang una pa lang naman siguro ay alam mo na ang klase ng pagkatao mayroon siya kaya dapat lang na tanggapin mo ang ganyang klase ng pagkakataon.Saka, ilang taon ka na ba? Sa tingin ko ay teenager ka pa lang kaya masyado pang malakas ang iyong emosyon para maisipan mo ang pagpapakamatay.

Uy, masarap mabuhay kaya huwag mo sasayangin ang buhay na kaloob sa’yo. Dapat mo rin sigurong malaman na maraming tao ang nakikipaglaban sa kanilang buhay pero di nila tuluyang magawa dahil mayroon silang karamdaman pero ikaw gusto mo lang ‘yang wakasan dahil sa isang babae na mahal mo nga pero iba ang gusto.

Sa ngayon ay masakit pa ang nararamdaman mong ‘yan kaya ang dapat mong gawin, ibaling muna ang atensyon mo sa ibang bagay. Sa pag-aaral ang the best. Alalahanin mo ‘yan ang magiging susi para magkaroon ka ng magandang buhay. Dapat din ay ibaling mo muna ang iyong atensyon sa’yong pamilya at sa mga kaibigan mo.

Kapag nagawa mo ang ipinayo ko sa’yo, unti-unti kang makaka-recover. Basta tanggapin mo lang agad na di para sa’yo si Rain at sa takdang panahon ay makikilala mo rin ang babaeng inilaan para sa’yo.

MAG

SHARE
Previous articleAng sakit na iniwan ni Carlo
Next articleHuwag mong tratuhing prinsesa ang iyong girlfriend

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here