Dear Maria: Amoy aso si Labs

106

Dear Maria,

Naiinis ako sa dyowa ko, amoy aso na lang palagi. Mahal na mahal kasi niya ang alaga niyang Aspin. — Sheryl

Sheryl,

Kung mahal mo talaga ang dyowa mo, tatanggapin mo siya kahit na sabihin mong amoy aso siya palagi. Siguro naman, hindi lang ang kaguwapuhan niya ang minahal mo kundi pati na rin ang buo niyang pagkatao. Ngayon kung hindi mo na kumuhang magsabi ng ‘oo nga pala’ baka nga  di lubos ang pagmamahal mo sa kanya.

Pupuwede naman kasing kasi nakukuha mo ng pansinin ang mga kapintasan niya ay dahil naglalaho na ang damdamin mo sa kanya. Naiintindihan naman kita kung bakit ganyan na ang feelings mo. Baka naman kasi talagang nakakadiri na ang kanyang amoy kaya nati-turn off ka na sa kanya.

Pero, alam mo, kapag mahal mo ang isang tao, kahit na ano pa ang amoy niya ay magagawa mong tanggapin. IYon nga lang, pwede rin namang mahal mo pa siya kaya kung maaari ay maging open ka sa kanya. Sabihin mo rin sa kanya ang nararamdaman mo. Mas makabubuti sa relasyon iyong open kayo sa isa’t isa.

Isipin mo na lang na kung ikaw ay naiinis sa kanyang amoy, paano pa ang ibang tao? Kaya naman, maging tapat ka rin sa kanya para ang masolusyunan mo ang iyong problema.

MAG

SHARE
Previous articleSwak na Negosyo sa Pasko
Next articlePaano mo masasabing mahal mo na ang isang tao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here