Dear Maria Agosto 20: Masama ang ugali ng bf pero di maiwan.

0
278

Tunghayan ang Dear Maria Agosto 20.

 

Dear Maria,

 

Hindi ko kayang iwanan ang bf ko pero ang sama na ng kanyang ugali. Nakakahiya na ang pagiging basagulero niya. Ano ang gagawin ko? — Danica

 

Danica,

Feeling mo ba magagawa siyang pagbaguhin ng pagmamahal mo sa kanya? Ang sagot, hindi. Kung hindi niya gustong magbago hindi siya magbabago  at para sabihin ko sa’yo ang mga ugaling nakasanayan na ay mahirap na talagang baguhin. Ibig kong sabihin, huwag kang mag-expect na ang mabangis na tiger ay magiging maraming tupa.Malaking kalokohan naman kasi iyon.

Kapag  umasa ka, masasaktan ka lang. 

Ang dapat mong gawin, pag-isipan mong mabuti kung ipagpapatuloy mo pa ba ang pakikipagrelasyon mo sa kanya. Marahil nga nagdadalawang isip ka. Paano ba naman kasi, mahal mo siya. Ngunit, dapat mong malaman, hindi laging pagmamahal ang iyong paiiralin. Kailangan mo rin siyempreng isipin ang iyong sarili. Dahil kapag nagkamali ka ng desisyon, nakatitiyak ako na pagdudusahan mo ‘yan habambuhay. 

Maaari ngang sa ngayon ay masaya ka dahil mahal mo siya pero, hanggang kailan? Dapat mong malaman na ang taong may masamang pag-uugali ay napakahirap pakisamahan. Kaya, ngayon pa lang, pakaisipan mo na kung ano ang masasama niyang ugali. Baka ikaw ay matauhan na. 

Mayabang ba? Kung may ipagmamayabang ay okay lang ang mayabang. Ngunit, dapat may limitasyon din ang kayabangan dahil kung hindi makakatagpo lang siya ng kaaway. Kung pakiramdam mo ay niyayabangan ka niya, Baka naman hindi ka na niya nirerespeto. Kung pinahahalagahan ka kasi niya, dapat may respeto siya sa’yo. 

Manloloko? Kung lolokohin ka lang niya, huwag ka na magpaloko. Masasaktan ka lang. Hindi mo man sabihin, alam kong napagtaksilan ka niya. Ang babae kasi kapag nagmamahal, hindi sumusuko hanggang mahal niya ang lalaki pero ikaw ay gusto mo na bumitaw dahill sa wakas, napagtanto mo na siya ay walang kuwenta.

Basagulero? Kung siya ang tipo ng taong palaaway, huwag ka na magtiwala sa kanya. Baka kasi kumuha ka lang ng batong ipupukpok sa ulo mo. Ang masama, baka ikaw ang pukpukin ng bote. Huwag laging puso ang paiiralin mo, gamitin mo rin ang utak mo. 

Saka, huwag mo namang paikutin ang buhay mo dahil lang sa kanya, hindi lang siya ang tao sa’yong paligid. May pamilya ka, may mga kaibigan ka. Bukod sa kanila, intindihin mo rin ang iyong buhay. Sana naman, mangarap ka muna at tuparin mo ang iyong pangarap. Kapag nagawa mo ‘yan, sinisiguro ko sa’yong magiging maligaya ka.

.Kaya, basahin ang Dear Maria Agosto 20

More I AM FILIPINO

More TIPS

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here