Dear Amor #1

0
24

Dear Amor,

Ang aking katanungan ay tungkol sa relasyong mag-asawa. Paano kung wala nang gana ang pagsasama? Araw araw nagkikita, nag-uusap sa mga nangyayari sa buhay, sa mga anak at sa trabaho. Maayos lahat maliban sa haplos na wari nawala. Ang dating paghahawakan, lambingan at pagtatalik ay mistulang naglaho kahit na ang isa ay nagpapakita na siya ay interesado, o willing , ngunit patay malisya at walang reaksyon sa kabila. Ano ang dapat gawin?  Mindy

  Dear Mindy                                                                      

Kahit anong relasyon ay nararanasan ang high and low points. Dumadating talaga yan. Akala mo wala ng gana sa relasyon niyo ang partner mo. Pero minsan at kadalasan kailangan lang ng ibang approach. Subukan niyong ibahin at baguhin ang mga kadalasan at karaniwan ninyong ginagawa. Mahirap kasi na paulit-ulit, routine at pattern ang ginagawa niyo. Kung hindi kayo mahilig manood ng sine, then manood kayo. Mag pamasahe kayo ng sabay sa isang couple’s room sa isang spa. Yong for so long yon at yon lang din ang takbo ng life niyo darating na mababagot kayo. Make it exciting. Try something new. Kung babae ka, magbago ka ng gupit, magpaganda ka, mag try kang mag-iba ng ayos. Iwasan mong maging losyang. Alagaan mo ang sarili mo. Biglaan mong ipagluto ng bagong putahe na espesyal ang mister mo. Wear a new perfume. Ito ay magiging daan para sa isang intimate moment niyo. Kung mister ka naman,magplano ng biglaan kakaibang date o dalhin mo si mrs. sa isang romantic dinner. Maari ding mag gym ka at pagandahin mo ang katawan mo. Dapat kahit busy kayo ay meron kayong isang araw sa isang linggo na meron kayong oras na kayo lang. Pwedeng iwanan muna ang mga bata sa mga magbabantay at mag alone time kayo. Maari ding  maglakbay kayo o mag getaway romantic trip.  Importante na mapanatili ang init ng inyong pagsasama. Kapwa talaga dapat mag effort. Make it a point na halikan at sabihan ng goodnight ang partner mo. Pagkagising sa umaga ay ganoon din. Start it with a good morning kiss. At pagdating sa usaping sekswal,huwag pababayaan na magtagal na hindi kayo nagtatalik. Minsan kailangan maging agresibo ka kung kailangan, total mag-asawa naman kayo. Pag-usapan din niyo ang tungkol dito at kung ano ang mga ayaw at gusto ninyo.

Isa pang napakaimportante is huwag mong babalewalain ang kabiyak mo. Don’t take each other for granted. Purihin mo pa din siya at lambingin. Huwag kang magsasawang sabihan ng I love you ang kabiyak mo. At siyempre huwag mapagod ipadama na mahal mo siya.

Sana may napulot ka sa aking advice and good luck and happiness to you always.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here