De Finibus: The Unwritten

0
114

PROLOGO

Hana’s POV:

“Hana… ”

Napamulat ako nang mapakinggan ko iyon. Nagulat na lang ako nang mapansing wala ako sa kwarto ko.

Sinipat ko ang paligid ko.

Kaninong kwarto ito?

Where the hell am I?

“Hana”

Tumayo ako. Just then, I realized that I was lying on the cold floor of this somewhat abandoned room.

Hindi ko talaga alam kung kaninong kwarto ito.

“ATE!!!! ”

Napalabas ako ng kwarto at kaagad akong bumaba ng hagdan.

Nasa dulo na ako ng hagdan ng mapansin ko ang isang babae na nakatali ang leeg at nakasabit sa may hawakan sa hagdan. Naka-hang siya sa second floor ng bahay.

Napatakip ako ng bibig.

Hindi ako makapagsalita. Nanunuyo ang lalamuanan ko. Nanlalamig ang kamay ko. Nabato na din ako sa kinatatayuan ko.

Si Deniece ang babaeng iyon. Kilalang kilala ko siya dahil isa siya sa mga ka-close ko na kapitbahay simula nang lumipat ako sa lugar na ‘to.

“ATEEEEE!!! ” Napalingon ako sa may pintuan. Nakaluhod na doon ang nakababatang kapatid na babae ni Deniece na si Mikee. Nakatulala ito sa ate niya.

Akmang lalapitan ko na siya nang mapansin kong hindi ko maigalaw ang aking mga paa.

Tiningnan ko kung bakit. Pero…

Hindi ko na pala dapat ginawa iyon. Bumabaha ng dugo sa sahig. Pinilit kong igalaw ang aking mga paa pero hindi ko magawa.

Nilingon ko si Mikee.

“M-Mikee! Mikee!” Pumiyok ang boses ko ng pilitin kong makasigaw.

Bakit ganito?

Bakit hindi ako makapagsalita?

Bakit pakiramdam ko, unti-unti akong napaparalisa?

Sinubukan kong kuhanin ang atensyon ni Mikee. Nakatakip na sa kanyang mukha ang kanyang buhok habang nakaluhod paharap sa kanyang Ate Deniece.

“M-Mikee! ” Pilit ko pa ding sumigaw.

“Haaaanaaaa….” Nanlaki ang mata ko. Boses iyon ni Deniece!

Napalingon ako sa nakabigting si Deniece at nagulat ako sa nakita ko. May sugat ang kaliwang bahagi ng leeg niya. Patuloy na tumutulo ang dugo mula sa sugat niya habang pinipilit niyang makawala sa pagkakabigti.

“Hana! *cough* *cough* T-Tulong! Haaa *cough* *cough* na! Tulong! ” Patawag sa akin ni Deniece habang nakatitig sa akin.

Pinilit kong hilahin ang aking mga paa para makagalaw.

“Den! Hindi ako maka-” Nagulat ako nang maramdaman ko ang tali sa leeg ko. Naramdaman ko ding wala na akong tinatapakang sahig.

“Den! *cough* *cough* Den! ” Nakita ko si Deniece sa may pintuan. Duguan pa din ang kanyang leeg.

Tinitigan niya lang ako. Maya maya pa’y tinalikuran niya din ako.

“DEN! ” Napabalikwas ako nang ako’y magising at napasabunot sa buhok ko. Isa lamang pala iyong panaginip.

Pero, panaginip nga ba iyon?

Ilang araw nang paulit-ulit ang panaginip kong iyon. Posible kayang maya gustong iparating sa akin si Deniece?

“Hana.. ” Naramdaman ko ang pangingilabot at pagtindig ng balahibo sa aking batok.

Tumayo ako. Palabas na sana ako ng kwarto ko nang may mapansin ako sa salamin sa pintuan ng aparador ko. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat.

“D-Deniece? ” Sambit ko nang malamang nasa likuran ko lang siya. Nakatitig lang siya sa akin           READ MORE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here