Dating Preso, Huli Sa Isang Buy-Bust Operation sa Davao.

Huli ang isang dating preso sa Davao City matapos siya mahulihan ng nagkakahalagang 140,000 pesos na shabu sa isang buy-bust operation.

Noong madaling araw ng Lunes ay isinagawa ang isang buy-bust operation sa isang inn laban kay alyas “Botchok” na dati din naaresto ng dahil sa kaparehas na dahilan, kasama ang kanyang parokyano na si alyas “Allan.” Ayon sa mga awtoridad, mahigit 20 na sachet ng shabu ang kanilang nakuha at ang nagsusupply ng drogang ito ay galing sa Maguindanao. Si Botchok ay nanggaling sa Kidapawan City at pumunta sa Davao City para mamalagi sa isang rehabilitation program ngunit napagalaman ng mga pulis na ito ay hindi pa din pala tumigil sa pag gamit ng illegal na droga.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here