Darna vs Darna: Kanino ka panig?

Si Angel Locsin ang itinuturing nating real life darna dahil sa lahat ng trahedya na dumating sa mga Pilipino ay naroroon siya. Ang kilos niya ay parang walang kapaguran kaya naman sa kanya ay maraming humahanga at nagmamahal. At ngayon ngang sumapit ang nakalulungkot na pagsasara ng Kapamilya Network ay nandoon pa rin si Angel at ibig ipaglaban ang 11,000 na empleyado na nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng higanteng network.

Kaya naman, hindi rin napigilan ni Angel na manawagan sa mga kapwa niya artista niya na gamitin ang boses pa ipaglaban ang kanilang karapatan at pati na rin ng maliliit na taong nawalan ng trabaho. Agad naman sumagot ng bagong Darna na si Jane De leon sa pagsasabing ang suporta niya sa network ay hindi lamang nasusukat sa pagsali niya sa rally lalo na’t mayroong pandemic ngayon.

Tama rin naman si Jane, kailangan din naman niyang protektahan ang kanyang sarili pati na ang kanyang mga kapamilya. Kung lumabas kasi siya ng bahay tapos mahawahan siya ng virus ay siya rin ang maging kawawa. Gayunman, ang katapangan ni Angel ay talaga namang hahangaan din dahil kahit pandemuc ngayon ay nais niyang ipaglaban ang kanyang network at ang mga nawalan ng trabaho.

Ikaw sa palagay mo, sino ang mas tama sa kanila?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here