Dapat bang patawarin ang taong sa’yo ay nanloko?

Magpatawad ang pinakamahirap gawin lalo na kung ang nanloko sa’yo ay ang taong pinakamalapit sa’yong puso kabilang na siyempre rito ang kapamilya mo, karelasyon mo at ang matalik mong kaibigan. Sa isang saglit nga ay parang ayaw mo na magtiwala dahil kung nagawa kang lokohin ng taong malapit o malalapit sa’yo,paano pa kaya ang ibang tao?

Kaya nga lang, anong mangyayari sa’yo kapag hindi mo nagawang magpatawad? Siguradong pahihirapan mo lang ang iyong sarili. Biruin mo ba naman, lagi ka na lang makakaramdam ng galit at maiisipan mo pa ang maghiganti. Gugustuhin mo a bang mangyari iyon.

Talaga ngang masakit na masaktan lalo na kung ang may kagagawan noon ay ang pinagkakatiwalaan mo. Ngunit, hindi naman ibig sabihin noon, masamang tao na siya kaya niya nagawa iyon. Mas maigi pa rin na magkausap kayo ng maigi para alam mo rin ang rason kaya niya nagawa iyon.

Kung minsan talaga kapag nagagalit kayo ay nagagawa nating makalimutan ang makinig. Ang tanging alam natin ay nagawa tayong masaktan ng taong minamahal at pinagkatiwalaan natin. Kaya sa halip na magkaintindihan at magpatawaran ay mas naglalayo lang ang damdamin.

Sana kapag ang taong nagkasala ay humingi na ng tawad, patawarin na lang lalo na kung dama mo naman ang kanyang pagsisisi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here