Dapat ba Ikulong ang mga Anak na Nag-abanduna sa kanilang Magulang?

139

Latest posts by Michèle Joie (see all)

Ito mismo ang iminungkahi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson nang ipasa niya ang Senate Bill No. 29, na pinangalanan bilang “Parents Welfare Act of 2019″.

Sa ilalim ng panukalang batas, obligado ang mga anak na magbigay ng suporta sa kanilang matanda, may sakit, at walang kakayahan na mga magulang. Kung hindi makakapagbigay ng suporta ang mga anak, maaaring magsampa ang kanilang mga magulang ng petition for support sa korte. Ang korte ay maaaring mag-isyu ng isang support order laban sa mga anak na nabigo o tumanggi na magbigay ng sapat na suporta sa kanilang mga magulang.

Ang paglabag dito ay maaaring magresulta sa pagkabilanggo ng isa hanggang anim na buwan. Maaari ring ipataw ang multa na P100,000 kung hindi makapagbigay ng suporta ang mga anak sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan nang walang maayos na rason o katwiran.

Ang sinumang mag-iiwan sa kanilang magulang sa isang lugar sa hangarin na abandunahin o talikuran ito ay mapaparusahan ng anim hanggang sampung taon na pagkakabilanggo at mapapatawan ng multa na hindi bababa sa P300,000.

HINDI INSURANCE ANG MGA ANAK

Agad namang naglabas ng sama ng loob ang mga netizen sa social media at ipinahayag ang kanilang pagkadismaya sa Senador.

Karamihan ng komento ay tungkol sa kung paano ang “close family ties” ng mga Pilipino ang nagiging dahilan kung bakit kakaunti lamang saatin ang nakaka ahon sa kahirapan dahil napipilitan tayong tulungan ang ating mga pamilya sa halip na makapag-invest at magkaroon ng ipon para sa ating sarili.

Responsibilidad ng mga magulang na paghandaan ang kanilang pagreretiro, at kung ano pa mang gastusin na maaari nilang kaharapin sa pagtanda. Hindi ito dapat iasa sa kanilang mga anak at lalong hindi dapat pahirapan ang mga anak sa kakulangan ng paghahanda ng mga magulang.

Madali rin diumanong samantalahin ang batas na ito. Ang mga iresponsableng magulang ay mas mauudyok na mag-anak ng marami para gamitin ang mga ito bilang “insurance” nila sa pagtanda.

Para saakin, hindi din ako sang-ayon sa panukalang ito. Marami akong kakilala na inoobliga ng kanilang magulang (minsan nga pati na rin mga kamag-anak nila) na magbigay ng pera, regalo, o pabor dahil lang mas nakakaangat na sila sa buhay ngayon.

Kung hindi sila magbibigay, guilt trip ang aabutin nila. Napapagsabihan pa sila na suwail, kuripot, o hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Kung magbigay naman sila, inaasahan na agad na panghabang buhay silang tutulong at mag-aabot hanggang sa wala na rin silang maitira para sa sarili.

Kung nagagawa na ito ng mga kamag-anak natin ngayon, paano nalang kaya kung maipasa pa ang panukalang ito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here