Daing Sa Paglingap: Isang Sulyap sa Buhay ng Kabataang Pilipino sa Gitna ng Kahirapan, Malnutrisyon, Pagpapabaya, Pagsasamantalang Seksual at Pedopilya

1
2739
street kids, rugby, glue, crime, theft, philippines, homeless, poverty, hungry

Kristine Joyce M Belonio

Kristine Belonio is a registered medical laboratory scientist and DOH-trained screening drug test analyst who hopes for a drug-free Philippines. And though she loves to do all the “bloody” work and analyze other bodily fluids, she’s also an aspiring journalist with a thorough know-how on the rudiments of news, feature and editorial writing.

Mahigit sa 1.8 milyon ang abandonadong kabataan sa Pilipinas na bumubuo sa halos isang porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa, ayun sa United Nation’s Children’s Rights and Emergency Relief Organization. Ang mga batang ito ay napapabayaang mamuhay ng mag-isa kaya napapaisip ako tungkol sa mga pagsubok at mga hamon na hinaharap nila araw-araw para mamuhay sa malupit at delikadong pamumuhay sa lansangan o sa mga mahihirap na lugar sa bansa.

hil sa sinandatahang sagupaan, natural na sakuna, isyu sa kahirapan at pagpapabaya, maraming kabataan ang naiwan at napabayaan. Ang karamihan sa kanila ay nangaganib na maging biktima ng krimen, pagsasamantala, druga at pang-aabuso. Ang mga batang ito ay nanganganib ring makaranas ng gutom at sakit.]

Mga Abandonadong Batang Pilipino ay Nawawalan ng Pag-asa na Makahanap ng Sariling Pamilya

Ang Pilipinas ay tanyag na may maraming apunan na napabayaan ng gobyerno. Kaya hindi na nakakagulat na ang UN Children’s Rights and Emergency Relief Organization ay nag-ulat noong Mayo ng nakaraang taon na ang bansa ay may malaking problema tungkol sa mga abandonadong bata.

Bagama’t ang pamahalaan ng Pilipinas ay nagtalaga sa Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (DSWD) ng responsibilidad para seguruhin na ang mga kabataang ito’y magkaroon ng tahanan, nakakalungkot paring makita na marami sa mga abandonadong bata ang lumaking nag-iisa at walang mga magulang. Sa ulat ng Los Angeles Times noong Mayo 2016, ang burokrasiya ng pag-aampon ay malamang ang dahilan sa likod na kung bakit maraming mga magulang na gustong mag-ampon ang naiiwang naghihintay sa wala, habang ang mga abandonadong bata ay naiiwang mamuhay ng mag-isa.

Ang mas masaklap ay nang bigyang-diin ng pahayagan ang mga karanasan ni Michelle Samalilo, na naging isang abandonadong bata sa murang edad. Si Samalilo, na ginawang tahanan at palaruan ang Manila North Cemetery, ay dinetalye kung paano winasak ng DSWD ang kanyang pag-asang magkaroon ng pamilya nang tinanggihan ng nasabing ahensya ng gobyerno ang kanyang aplikasyon para amponin ng isang Amerikanong pamilya, lahat ng dahil sa isang simpleng dahilan – ang kanyang edad, na noon ay labinlima at tinuturing na “masyadong na matanda para amponin.”

“Ang pangarap ko ay magpa-ampon, para may mamahal sa akin,” malungkot na kwento ni Sambalilo. “Noong natuklasan ko na masyado na akong matanda para amponin, nalungkot talaga ako, kasi gusto ko talaga magkaroon ng pamilya.”

Nang dahil sa pangyayaring ito, ang tanong na kung ang edad na labinlima ay talaga bang masyadong matanda na para amponin ay naging usap-usapan. Sinabi pa ni Sambalilo na ang pamantayan pagdating sa edad ng bata para sa pag-aampon ay “hindi makatarungan.”

“Kahit na kung lampas sa labinlima, dapat pa rin na kaming amponin, dahil nangangailang pa rin kami ng pamilya at ng magmamahal sa amin,” dagdag pa ni Sambalilo.

Si Eric Mallonga, isang abogadong pampamilya na nag-aral sa Britanya at tagapagtatag ng Meritxell Children’s Home, isang pribadong  ahensya na nangangalaga sa mga bata na siya ring kumopkop kay Sambalilo, ay nagpahayag ng kanyang pag-aalala at pagkabahala sa sitwasyon ng mga abandonadong bata sa Pilipias dahil ang isyung ito ay parang pinapabayaan ng gobyerno.

“Ako ay patuloy na nababahala sa pananaw ng gobyerno na ang mga batang ito ay hindi prayoridad.” sabi ni Mallonga. “Ang mga batang ito ay hindi pinapahalagahan, lagi silang nasa likoran, kaya dumadami ang batang napapahamak sa mga krimen, sa prostitusyon, sa kapabayaan, at dumadami ang bilang ng mga pamilya namumuhay sa mga lansangan.”

Ang Mga Apunan Ay Hindi Sapat at May Kakulangan ng mga Tauhan

Isa pang nakakalungkot na katotohanan tungkol sa tumataas na bilang ng abandonadong bata sa Pilipinas ay ang realidad na ang mga ampunan sa bansa ay masyadong kakauntimay kakulangan sa mga tauhan. Bukod sa “ kawalan ng kakayahan at kawalan ng kabagayan,” inihayag ni Mallonga na ang mga ahensya ng gobyerno ay laging nangangailangan ng mga dokumento na “imposibleng makuha” kaya ang simpleng proseso at ang mas kinakailangang mga papeles ay nagiging isang nakakapagod at nakakapanghinang -loob na karanasan.

Ang mga opisyal ng DSWD, gayunman, ay nagsabi na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para mapabilis ang pamamaraan ng pag-ampon sa Pilipinas. Sinabi pa ng ahensya na “binabago nila ang mga pamamaraan at nangangalap pa nga sila ng mga suhestyon at mga rekomendasyon galing sa mga ahensyang nangangalaga ng bata o [lokal na pamahalaan]” para ang proseso at ang sistema nila ay maging “mas mabilis.”

Sa kasamaang-palad, hindi lahat ng abandonadong bata ay nagiging maswerte. Hanggang sa ngayon, may ilang abandonadong bata pa rin ang naninirahan at ginagawang kanlungan ang mga sementeryo, habang ang iba ay patuloy na palaboy-laboy sa mga magugulong lansangan ng bansa.

Araw ng mga Ina para sa mga Abandonadong Batang Pilipino

Matapos ang isang espesyal na okasyon noong isang linggo, di ko mapigilan ang mapaisip tungkol sa mga abandonadong batang. Ano kaya ang kahulugan ng Araw ng mga Ina at Araw ng mga Ama para sa mga batang lumaki ng walang mga magulang?

Noong Linggo (Mayo 14), pinagdiwang ng mundo ang Araw ng mga Ina at dito sa Pilipinas, ang pagbibigay-pugay sa mga ilaw ng tahanan ay palaging ginagawa ng masigasig. Sa kulturang Pilipino, kinikilala ng pamilya ang bukod-tanging “koneksyon” sa pagitan ng Ina at kanyang mga anak. Habang ipinagdiwang natin ang okasyon ng may labis na pagmamahal at pagpapasalamat, paano kaya pinagdiwang ng mga batang walang ina o abandonado ang kaganapang ito?

Sa kabutihang-palad, nakipagtulungan ang Xpress Money sa Virlanie Foundation at inumpisahan ang inisyatibong tinatawag na “Mother’s Day for Kids without Mothers.” Ayun sa The Filipino Times, ang kampanya ay naglalayon na mag organisa ng isang espesyal na handaan para sa mahigit na animnapong (60) kabataan na hindi nakaranas ng pagmamahal at pagkalinga ng isang ina.

Para sa kampanyang ito, ang Xpress Money ay magbibigay ng donasyon na sampong (10) porsyento ng kanilang kabuuang kita galing sa lahat ng pagpapadala ng pera patungong Pilipinas mula ika-21 ng Abril hanggang ika-14 ng Mayo. Ang kampangyang ito ay naglalayon din na baguhin ang Labing-isang (11) buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, tahanan at kalidad na edukasyon sa mapipiling abandonadong bata sa Maynila.

Gutom at Malnutrisyon

Isa pang malaking hamon na hinaharap ng maraming kabataang Pilipino ay ang matinding kahirapn. Sa katunayan, ang kahirapan ang isa sa mga pangunahin isyu na nakakaapekto sa buhay ng milyon-milyong kabataan sa bansa. At dala ng kahirapan ang dalawang pang napakahalagang isyu — gutom at malnutrisyon.

Sa unang bahagi ng taong ito, nag-ulat ang Business Mirror na merong tinatayang 7 milyong batang Pilipino na nakakaranas ng gutom at malnutrisyon. Ang ulat na ito ay isang malaking kaibahan sa nababalitang pagunlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Isang ulat ng Rappler noong 2016 ay nagsabi din na isa sa bawat tatlong batang Pilipino ay nakakaranas pa rin ng malnutrisyon. Dahil dito, ang Pilipinas ang naging ika-9 na bansa na mayroong mataas na kaso ng “stunted children.” Ang nasabing ulat ay nagpakita din ng isa pang nakalulungkot na katotohanan na dalawampong (20) porsyento ng mga bata nasa edad limang taon pababa ay nanganganib na mamamatay dahil sa hindi magandang serbisyong pangkalusugan.

Dagdag pa ng isang pambansang pagsisiyasat na ang malubhang malnutrisyon sa bansa ay ang pinakamalubha sa nakaraang dekada. Save the Children Organization, gayunman, ay nasagbi na ang gutom at malnutrisyon ay mga “problemang gawa ng tawo” at maaring maiwasan. Kaya, paano ba talaga natin malalabanan ang mga isyung ito?

Ang gutom at malnutrisyon ay kinikilalang mga seryosong isyu sa pampublikong na madalas dulot ng kakulangan ng edukasyon sa nutrisyon, hindi magandang kalusugan at kalinisan, kasama na ang hindi sapat na pagkukunan ng masustansiyang pagkain. Ayon sa talumpati ni Senadora Grace Poe sa isang pagtitipon tungkol sa malnutrisyon na ginanap noong Enero, ang mga hamong dulot ng kagutuman at kawalan ng masustansiyang pagkain ay humahadlang sa “isang henerasyon ng mga kabataang Pilipino” para maabot ang kanilang buong potensiyal.

Para matugunan ang mga isyu tungkol sa gutom at malnutrisyon, si Jacques Reber, ang pinuno ng Nestle Philippines, ay nagpayo na ang gobyerno ay dapat magkaroon ng “sistimatikong pagtalakay o programa” gaya ng pakikipagtulungan sa mga organisasyon na may kaalaman tungkol sa iba’t-ibang paksa na nakatutok sa pagkain at nutrisyon. Pero bago simula ang pagsugpo ng Pilipinas sa gutom at malnutrisyon, at maabot ang buong potensyal nito para alisin ang mga isyu sa pampublikong kalusugan, ang gobyerno ay dapat magkaroon ng plano na puksain ang negatibong pananaw na dala ng malnutrisyon.

Sa Pilipinas, 95 batang Pilipino ang namamatay araw-araw dahil sa malnutrisyon. Nalulugi din ang bansa ng hindi bababa 328 bilyong piso kada taon dahil sa malnutrisyon. Sa kabutihang-palad, isang bagong programang pangkalusugan ang inilunsad ng gobyerno na tinatawag na “Philippine Integrated Management of Severe Acute Malnutrition.” Ito ay naglalayon na makipag-ugnayan sa mga komunidad para labanan ang malnutrisyon.

Para sa kasalukuyang taon, ang Kagawaran ng Kalusugan ay magsisimula sa 17 probinsiya at karagdagang 21 para sa susunod na taon (2018). Ang programa ay nakikitang makakatulong sa mahigit 38,200 na kabataan na merong malubha at matinding malnutrisyon na may edad mula anim (6) na buwan hanggang limang (5) taon.

Kahirapan

Ang kahirapan ay nagsasaad ng kawalan ng kakayahan na magkaroon ng sapat na kita para tugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa buhay tulad ng pagkain, tirahan at damit. Sa kabila ng katotohanan na ang ekonomiya ng Pilipinas ay umangat sa kalagitnaang antas ng kita, ang misyon noong Pebrero 2015 ng United Nations (UN) Special Rapporteur on the Right to Food Hilal Elver, ay nagsabi na ang kakayahang makakuha ng sapat at masustansiyang pagkain ng Pilipinas ay nananatiling limitado ng dahil sa “kahirapan at antas ng kita.”

Ang pagiging produktibo ng manggagawa ay naaapektuhan din dahil sa malnutrisyon na dulot ng kahirapan. Ito ay maaring mag-iwan ng permanenteng epekto sa pisikal na paglaki at sa pagbuo sa mental na kapasidad ng isang tao.  Nang dahil diyan, ang gutom at malnutrisyon ay masasabing bunga ng isa pang mahalaga at seryosong isyu — ang kahirapan.

Ang masama pa nito, gayunman, ay ang katotohan na ang kahirapan ay nakakaapekto rin sa kaisipan ng mga batang Pilipino. Marahil narinig mo na ang mala-“Hollywood” na kwento na kung paano nasaksihan  ng isang bata ang pagsaksak ng kanyang sariling ama sa kanyang ina at pagkatapos ay winasakan nya ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang sarili dahil ito ay lulong sa droga o kung paano namumuhay ang mga bata na pinanganak sa mahihirap na pamilya at naninirahan sa ilalim ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) overpass.

Gayunman, ito ay hindi mga gawa-gawang kwento lamang. Sa halip, ito ay ang nakakalungkot na katotohanan sa Pilipinas at marami pang mga kwento na hindi pa naipapalabas. Ng dahil sa kahirapan, libo-libong mga bata ang lumalaki sa marahas at malupit na paligid, naiiwan sila na may kaunti o walang pag-asa para magkaroon ng maganda, mabuting at marangal na kinabukasan.

Ang mga batang ito ay ninanakawan rin ng kanilang kabataan, hindi pa kasama dito ang pagsuko sa kanilang mga pangarap at mga hangarin sa buhay.  Ayon kay Amelie van den Brink ng Rappler, itong “hindi nalulunansang psychological traumas” na dinanas ng mga batang Pilipino at karihapan ay nagreresulta sa paulit-ulit na siklo na tinatawag na “ psychological poverty,” isang kalagayan na dapat bigyang-pansin ng gobyerno para mapangalagaan ang malusog na pag-unlad ng mga mahihirap na mamamayan at ang mga susunod na henerasyon.

Sa kabila ng pagkakaroon ng mga batas para sa batang manggagawa, ang kahirapan pa rin ang pumipilit sa mga batang mahihirap para magtrabaho sa murang edad, magpalimos sa lansangan, magbenta ng sampaguita, sumali sa mga gang o pumasok sa maduming mundo ng prostitusyon. Lahat ng ito ay bahagi ng bangungot ng mahihirap na batang Pilipino na kung saan ang katagang “matira ang matibay” ay makatotohanan. Saan kaya sila dadalhin nito?

Nakakalungkot isipin na karamihan ng mga bata ay lumaki sa hindi ligtas na kapaligiran at kondisyon ng buhay. Ito rin ay nag-iiwan ng malalim at pangmatagalang epekto sa kanilang pangkalahatang paglaki. Ang mga nakakalungkot na kalagayang ito ay maaring ding magdulot ng problemang pangkaisipan, emosyonal at pag-uugali gaya ng depresyon, pagkakasala, malaking tsansa ng pagtigil sa pag-aaral, mababang marka sa paaralan, problema sa pag-uugali and hindi magandang relasyon sa mga kaibigan.

Para matigil ang mga negatibong epekto ng kahirapan, sinabi ni van den Brink na “ang pinakaunang hakbang ay ang pag-amin na ang kahirapan ay isang kondisyong pangkaisipan din. Ang pangalawang hakbang ay ang pag-amin na nangangailangan ito ng solusyong pangkaisipan. Pangatlo, ang solusyon ay dapat magsimula mismo sa mga mahihirap na pamilya at sila ang simula at katapusan ng problema. At panghuli, dapat pag-isipan muli ang priyoridad sa paglalaan ng pondo ng gobyerno.”

Pang-aabuso or Pagsamantalang Seksual, Pakiki-apid sa Kamag-anak at Pedopilya

Bukod sa mga nabanggit na epekto, ang mga batang Pilipino na lumaki kasabay ang mga magulang na lulong sa droga at alkohol ay nahaharap din sa katotohanan na sila ay magiging biktima ng pisikal at seksual na pang-aabuso, at pagpapabaya. Sa katunayan, ang paglaganap ng pakiki-apid sa kamag-anak sa mga anak ng mga lulong sa alkohol ay dalawang beses na mas mataas. Sa kabilang dako, isa sa bawat sampong batang Pilipino ay nahaharap sa pang-aabusong seksual at magulong tahanan, ayun sa World Vision Philippines.

Ang pandaigndigang organisasyong ito ay nagsiwalat rin na ang Pilipinas ay ika-10 pagdating pagsasamantalang seksuwal sa buong mundo. Aminado si Judy Taquiwalo, kalihim ng DSWD, na ang “pinaka nanganganib” na maging biktima nito ay mga “batang mahihirap.”

Kamakailan lamang, ang mga isyu tungkol sa pagsasamantalang seksuwal sa mga batang Pilipino at pedopilya sa Pilipinas ay nakakuha ng atensyon ng internasyonal na medya nang salakayin ng National Bureau of Investigation (NBI) anti-human trafficking group ang bahay ng isang pedopinaghihinalaang pilya noong ika-20 ng Abril. Ayon sa mga ulat, nahuli ng NBI ang 53-taong gulang na si David Timothy Deakin, na nanggaling sa Peoria, Illinois, sa akto at nakumpiska ang pinakamalaking koleksyon ng mga pinagbabawal na digital na materyales at parapernalya kasama na ang mga damit panloob ng mga bata, bondage cuffs, sapatos ng sanggol, hard drives, kamera, fetish ropes at meth pipes.

Habang nagaganap ang pagsalakay, dalawang batang babae nasa edad na 10 at 12 ang nailigtas. Sa kasamaang palad, ang krimen sa pagsasamantalang seksuwal Pilipinas ay hindi doon natapos doon dahil makalipas lamang ang dalawang linggo, apat na mga batang babae na may edad 8, 9, 11 at 12 ang nailigtas ng mga awtoridad. Inaresto din nila ang isang ina at dalawa pang babae dahil sa pagsasagawa ng live streaming ng mga video ng seksual na pagsasamantala sa mga bata na pinanunuod ng mga Amerikanong lalaki na nagbabayad kada minuto, ayon sa paguulat ng Chicago Tribune.

Ang mga panghuhuli sa krimen ay nagpinta din ng isang mapanglaw na larawan tungkol sa pagsasamantalang seksuwal sa Pilipinas na kung saan 80 porsyento ng mga batang ito na nabibiktima ng mga banyagang pedopilya ay mayroong “bugaw” na nagdadala, nagkukumbinse, nag-aayos at pumipilit sa kanila na gumawa ng mga seksuwal na gawain. Ang kaso ng mga Live streaming ng seksuwal na pagsasamantala sa mga bata sa bansa ay umakyat rin pagkatapos sumikat ang pinakaunang insidente noong 2011. Ang United Nations ay nagbababala din tungkol sa mga makabagong digital na tekonolohiya na maaring magdulot ng “nakakabahalang pagdami ng mga makabagong pamamaraan sa pagsasamantalang seksuwal sa mga bata online.”

Habang ang online na pang-aabusong seksuwal sa mga bata ay nagiging isang malaking negosyo dito sa Pilipinas, ang mga naghihirap na pamilya ang laging natutuksong kumita sa gawaing ito. Ang NBI, gayunman, ay nangangakong lalabanan at lilipulin ang lahat ng anyo ng Cybersex at pedopilya na kaso dito sa bansa. Ang hepe ng anti-human trafficking ng NBI na si Janet Franscisco ay nagbabala na sa tulong ng kanilang mga banyagang kasama, mahuhuli nila ang mga kriminal at ikukulong sila hanggang kamatayan.

Karahasang Pisikal at Pangkaisipan

Isa pa sa nakakalungkot na katotohan tungkol sa mga batang Pilipino ay ang isyu ng karahasan. Ayon sa pagsisiyasat ng UNICEF noong 2016, 80 porsyento ng mga Pilipino o walo sa bawat sampong kabataan ang nagdudusa sa ilang anyo ng karahasang pisikal at pangkaisipan. Kinumpirma din ng naturang pagsisiyasat ang mga nabanggit na katotohanan na isa sa bawat limang bata na may edad 13 hanggang 14 ay nakaranas karahasang seksuwal.

Ang pagsisiyasat ay tumukoy din sa 13 uri ng karahasan sa panahon ng kabataan, kasama na dito ang “pisikal o pangkaisipan na kapabayaan, pagiging saksi sa pisikal at pangkaisipan na karahasan sa loob ng tahanan, pangkalahatang pisikal at pangkaisipan na karahasan, malubhang pisikal at pangkaisipan na karahasan, malubhang seksual na karahasan, karasahasan sa loob ng samahan or pananakot, cyber violence at pinag sama-samang mga uri ng karahasan.” Base sa pagsisiyasat, mahigit sa animnapong 60 porsyento na kaso ng pisikal na karahasan ay nangyayari sa loob ng bahay.

Higit pa rito, ang pagsisiyasat ay nagbigay-diin sa nakasanayang kaugalian ng kaparusahang korporal. Sa katunayan, mahigit sa kalahati ng mga respondents ay nakatanggap ng korporal na kaparusahan sa loob ng tahanan, habang mahigit sa tatlumpong 30 porsyento ay nagdusa sa mas malalang kaparusahan kagaya ng “pananampal, paninipa o panununog.”

Dahil sa malupit na katotohanan at pamumuhay ng mga batang Pilipino, meron pa kaya silang pag-asang mamuhay ng mabuti at magkaroon ng magandang kinabukasan? Mangangailangan ito ng panahon, suporta at pagtutulungan galing sa gobyerno, pribadong sektor at mga nag-aalalang mamamayan para mailigtas ang mga batang Pilipino na ito, na sabi pa ng ating Pambansang Bayani na si Jose Rizal ay ang “pag-asa ng bayan,” at kung hindi tayo makakahanap ng paraan, ay dapat tayo mismo ang gumawa ng paraan.

Kaya, tara na?

Resources:

http://filipinotimes.ae/news/2017/04/28/make-this-mothers-day-special-for-kids-without-mothers/

http://filipinotimes.ae/news/2017/05/04/make-a-difference-to-children-without-mothers-this-mothers-day/

http://www.rappler.com/move-ph/101644-psychological-poverty-children-philippines

http://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/healthandwellness/606908/unicef-provides-supplies-for-malnourished-filipino-kids/story/

http://www.manilatimes.net/costly-rice-making-poor-children-dumb/326591/

http://www.businessmirror.com.ph/7m-filipino-kids-suffer-hunger-malnutrition/

http://www.rappler.com/move-ph/issues/hunger/141134-philippines-children-malnutrition-stunting-study

http://www.rappler.com/move-ph/issues/hunger/130046-philippines-chronic-malnutrition

http://news.mb.com.ph/2017/05/04/ph-rate-of-stunted-children-among-highest-in-region/

http://news.abs-cbn.com/focus/04/25/17/kulang-sa-timbang-removing-the-stigma-of-child-malnutrition

http://news.abs-cbn.com/news/05/04/17/ph-losing-at-least-p328-b-annually-due-to-malnutrition-report

http://www.sunstar.com.ph/cebu/local-news/2017/04/06/stiffer-mendicancy-law-needed-official-535184

http://thestandard.com.ph/news/-main-stories/top-stories/225311/rody-wants-to-abolish-anti-mendicancy-law.html

http://www.manilatimes.net/rule-law-fails/325902/

http://www.chicagotribune.com/news/nationworld/ct-philippines-cybersex-arrests-rescues-20170512-story.html

http://www.japantimes.co.jp/news/2017/05/09/asia-pacific/crime-legal-asia-pacific/massive-child-webcam-sex-bust-philippines-reveals-rising-abuse-worldwide/

http://plenglish.com/index.php?o=rn&id=12407&SEO=un-reports-progress-on-protection-of-filipino-children

http://abcnews.go.com/International/wireStory/ap-exclusive-big-child-webcam-sex-bust-reveals-47289851

http://www.philstar.com/headlines/2016/12/07/1651174/unicef-survey-80-percent-filipino-youths-suffer-violence

https://asiancorrespondent.com/2017/03/10-pc-filipino-children-sexually-abused-home-ngo/

http://filipinotimes.ae/news/2017/05/11/nbi-vows-to-end-online-sexual-exploitation-pedophilia-in-ph/

http://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/healthandwellness/604374/world-vision-phl-launches-campaign-to-end-sexual-abuse-of-children/story/

1 COMMENT

  1. Well-written and very informative. I really hope this perennial problem in our country will end because it’s extremely traumatizing for a child. So many children suffer from these kinds of abuse from soul-less people…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here