Dahilan Kung Bakit Nagagawa Nating Saktan Ang Ating Mahal

Kung minsan maitatanong mo sa sarili kung bakit mo nagagawang saktan ang mahal mo sa buhay gayong alam mo naman kung gaano mo siya kamahal. Maraming posibleng dahilan na kadalasan ay hindi agad natin naaamin sa ating sarili.

1.Immature

Marami sa atin na kahit nasa edad na ay immature pa rin. Yung tipong hirap pa rin makaintindi na parang bata. Yung nakukuha pang magtantrums kahit hindi na dapat. Kung ganito ang attitude mo huwag kang magtaka sa mga pagkakataon na masasaktan mo ang damdamin ng iyong mahal. Kung immature ka malamang na marami kang hindi maunawaan sa kanya at sa inyong pagsasama. Kasi ang taong immature ay selfish. Ang sarili lang niyang panig ang pinaniniwalaan at sariling emosyon ang binabantayan.

2.Maka-pamilya

Hindi masama na mahalin natin ang pamilyang ating pinagmulan lalo na ang mga magulang na siya nating kasama mula pa man sa simula ng ating buhay. Pero kung bubuo na tayo ng ating sariling pamilya kasama ang tao na napili nating mahalin habambuhay, dapat alam na natin ang mga limitasyon at konsiderasyon sa pagitan ng una nating pamilya at bagong pamilya. Hindi na lang nakasentro sa kanila ang iyong buhay kundi may lugar na din dapat sa puso mo ang tao na inaasahan mong makakasama for the rest of your life.

3.Mataas na pride

Kailan ba umiiral ang pagtaas ng pride mo o ng iyong ego? Ito ay kapag mas maganda ang iyong trabaho kaysa kanya. Kapag sa tingin mo ay ikaw lang ang gumagawa ng paraan para mabuhay kayo ng maayos. Kaya kung minsan ay hindi mo napipigilan ang iyong sarili at napagsasalitaan mo siya ng hindi maganda. Nasasaktan mo siya kahit labag sa kalooban mo dahil umiiral sa’yo ang pride mo.

4. Naglahong mahika ng pag-ibig

Hindi imposible na ang dating napakaalab mong pag-ibig para sa kanya ay maglaho. Kung nainlab ka sa kanya na hindi mo alam ang dahilan, pwede ring ma fall out ka sa kanya na hindi mo rin malaman ang dahilan. Iyan ang mahika ng pag-ibig. At sa oras na ito ay maglaho sa iyong puso, dito na mangyayari ang mga sitwasyon at pagkakataon na masasaktan mo siya kahit sa pagkakaalam mo ay mahal mo pa siya pero ang totoo ay hindi na pala.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here