Dahilan Kung Bakit Masarap Magmahal ang Isang Tomboy

0
624

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Bakit nga ba marami ang nahuhumaling sa mga tomboy? Mga isinilang na babae na nabiyayaan magkaroon ng pusong lalaki. Para sa mga konserbatibong tao, ang pag-ibig sa pagitan ng babae at kapwa nito babae ay isang kaimoralan. Isang hindi katanggap tanggap na sitwasyon. Marami pa ring konserbatibong tao sa ngayon lalo na sa matatanda ang patuloy na kinukuwestiyon ang mga tomboy sa kanilang katauhan. Sa kabila nito ay marami pa rin ang nagagawang paibigin ng mga tomboy. Marami pa rin silang napapaniwala na sila ay seryoso sa kanilang ipinaglalaban.

Bakit nga ba? Una, ang tomboy ay may bahagi pa rin ng pagkababae aminin man nila ito o hindi. May mga bata pa lang ay ramdam na nila ang kanilang kaibahan sa mga kapwa babae. Hindi sila mahilig sa manika, sa halip ay bola at baril barilan ang pinaglalaruan nila. May mga nagiging tomboy naman dahil sila ay napapalibutan ng mga kalalakihan sa pamilya halimbawa ang mga kapatid niya ay puro lalaki. Meron din namang late bloomer bilang tomboy. O mga babaeng nagiging tomboy na lang kapag nakaranas ng labis na kasawian sa pag-ibig dahil sa lalaki. Pero anuman ang istorya ng kanilang pagiging tomboy, sa sulok ng kanilang puso, naroon ang pusong babae. Ito ang dahilan kung bakit nauunawaan nila ng lubos ang isang babae. Alam nila kung ano ang gusto ng mga eba. Kung paano ito dapat suyuin. Kung paano ito dapat lambingin at kung paano ito pasasayahin. Iyon ang lamang nila sa mga kalalakihan pagdating sa panunuyo ng isang babae. Alam na alam nila kung nasaan ang kiliti ng mga ito.

Dahil dito kaya naman hindi sila gaanong nahihirapan kung paano pasasagutin ng oo ang kanilang nililigawan. At kapag napasagot na nila ito ay handa silang ibigay ang lahat huwag lamang mawala ang mahika ng pag-ibig sa pagitan nila. May mga tomboy pa na sa labis na pagmamahal ay masyado silang nagiging over protective sa kanilang sinta. Pero hindi naman sila masisi ng kanilang mga jowa. Lalo na kung ang isang babae ay mas naligayahan sa kanya kaysa sa tunay na lalaki. Parang reyna kung ituring ng isang tomboy ang babaeng iniibig . Pinagsisilbihan at ibinibigay ang lahat ng gusto sa abot ng kanyang makakaya. Mapa-sekswal man, materyal na bagay at emosyon. Buhos ang kanilang atensyon sa babaeng kanilang napiling mahalin huwag lamang itong maagaw o mawala sa kanila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here