Dahilan Kung Bakit Mahilig Ang Pinoy Sa Teleserye

Bakit nga ba sobrang hilig ng mga Pinoy sa mga teleserye? As in sinusubaybayan talaga nila ang teleserye na makursunadahan nila. Yung tipong hindi kumpleto ang araw nila kapag hindi nila ito napanood at nalulungkot sila kapag may episode at eksena silang hindi nalalampasan. Pero bakit nga ba? Narito ang ilan sa posibleng dahilan.

1.Gustong makalimot sa problema.

Bawat isa sa atin ay may kinakaharap na problema. Iba’t-iba nga lang pero kanya-kanya tayo ng pinagdaraanan. Sa pamamagitan ng panonood ng teleserye ay pansamantala tayong nakakalimot sa tunay nating pinagdaraanan dahil natutuon ang atensyon natin sa istorya ng bidang pinapanood natin.

2.Nakakapulot ng aral.

Sigurado namang lahat ng teleserye na napapanood natin ay kapupulutan  ng aral. Kadalasan ay nakakarelate tayo at nakukuha natin ang mensaheng hatid nito sa mga manonood na gaya natin. Lalo na kung ang problemang kinakaharap ng bida ay tulad ng sa atin.

3.Nakakalibang.

Isa rin itong magandang libangan kapag feeling bored na tayo. Lalo na kung madalas ay wala tayong kasama sa bahay, ang mga tauhan sa teleserye ay nagiging bahagi ng ating conscious mind bilang parte ng pamilya o bilang kaibigan.

4.Ginagawang bonding ng pamilya.

Kung nagiging masaya kang parang kapiling ng totoo ang mga tauhan sa isang serye, mas lalo kang magiging masaya kung kasama mo pa ang buong pamilya sa panonood nito dahil para na kayong isang malaking pamilya at nagsisilbi na itong bonding nyo. Yung kapag hindi napanood ng isa ay may isa pang magkukuwento sa kanya ng na-missed niyang part.

5.Nagkakaroon ng pag-asa.

Yung feeling mo ikaw ang bida sa teleseryeng pinapanood mo. Na kapag nawawalan na siya ng pag-asa ay ganoon din ang pakiramdam mo at kapag nabuhayan naman siya ay nabubuhayan ka rin ng loob. Yung tipong kung minsan sa totoong buhay ay nawawalan ka na ng pag-asa pero kapag napanood mo ang bida sa same situation ay lumalakas din ang iyong loob na kung siya ay naka-move on bakit hindi ikaw?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here