DAHILAN KUNG BAKIT HINDI MO PA RIN NATATAGPUAN ANG IYONG TWIN FLAME

1285

Karamihan sa atin ay nangangarap na magkaroon ng makakatuwang sa buhay. Masuwerte na kung ang makakasama mo sa buhay ay ang soulmate mo. At higit kang mapalad kung matatagpuan mo ang twinflames mo.

Ayon sa great American psychic and prophet na si Edgar Cayce, ang soulmate ay kabiyak ng iyong kaluluwa na tutulong sa iyo sa pagtahak mo sa lifetime na ito.

Malaki ang pinagkaiba ng kaluluwa o soul sa espiritu o spirit. Ang espiritu ang siyang essence ng buhay. Sa kabilang banda, ang kaluluwa ay ang mga ideolohiya, kaisipan, paniniwala, personalidad, at karakter na taglay ng isang tao habang siya ay nabubuhay sa mundong ito. Samakatuwid, sa sandaling mamatay ang katawang-lupa, kasama nitong mamamatay ang kaluluwa. Ngunit, ang ating espiritu ay mananatiling umiiral sapagkat ito ay buhay na mula sa Eternal One.

Ang twin flames, o kambal espiritu, ay literal na nangangahulugang “kabiyak ng ating espiritu”. Ito ay liwanag mula sa “Omnipotent One” o kilala o tinatawag natin sa mundo bilang “Deus” o Diyos. Ang bawat butil ng liwanag ay katumbas ng isang espiritu o “buhay”. Ang isang butil ng liwanag ay maaaring mahati sa dalawa. Kaya literal na ang “kabiyak ng ating espiritu” ay nahiwalay sa atin.

Ang soulmates ay kadalasang naa-associate sa romance o love. Ngunit, sa bawat pag-iral natin sa mundong ito bilang tao, maaari tayong makasumpong o makatagpo ng maraming “soulmate” na siyang makatutulong sa paglago ng ating espiritualidad. Sila ay maaaring kadugo natin o kaibigan. Ang pagiging isa ninyo sa ideolohiya, paniniwala, at iba pa ay malinaw na indikasyon na soulmate mo ang isang tao.  Makikilala mo ang iyong soulmate, o spiritual partner, sa panahon at sandaling hindi mo inaasahan. Ang soulmates ay literal na kahati o karugtong ng iyong kaluluwa. Tutulungan ka niyang ipaalala ang purpose mo sa buhay at mga leksiyon na natutuhan mo sa bawat pag-iral mo sa mundong ito.

 Sa kabilang banda, kasing hirap ng paghahanap ng karayom sa bunton ng dayami ang pagkakataong mahanap mo ang iyong “twin flames”.

Sa sandaling matagpuan mo na ang iyong “twin flame”, ang iyong espiritualidad ay mabubuo at makakasumpong ka ng kaliwanagan o enlightenment sa piling ng taong iyon.

Ang iyong “twin flame” ay darating sa iyo sa tamang panahon, sa tamang lugar, at sa tamang life time o pag-iral mo sa mundong ibabaw.

Kung hindi mo pa rin siya natatagpuan, hindi pa ito ang panahong itinakda para sa inyong pagsasama.

***All your Panaginip, Pamahiin, Pahula, Palmistry, Gayuma, Relasyon and more questions answered quickly***

Simula sa Mayo 7 sasagot kami ng katanungan sa inyong pahula sa kapalaran at kahulugan ng inyong panaginip at iba pa, ito po ay sa  ating Forum na natatagpuan sa https://filipinaproud.com

Halos lahat ng inyong mga tanung ay masasagot sa loob ng 24 oras. Kung nais mong tulong kung paano makasali o makapag sign in. Please message us. Salamat

Registration Instructions:

  • Go to https://filipinaproud.com  
  • Click on Join (top bar)
  • Add User Name  (one word or name or two words combined, example:  MissJenn)
  • Add Name and Password and confirm password.  Mobile not necessary
  • Select Register and you will be redirected to your profile page.

To add a new topic, choose Forum again from the top bar of the Main Page. 

Click on the Forum you want (ex: Astrology, Panaginip, Pahula, Gayuma) and then Add Topic (blue button).   Add title and then add your question in comment box.  View other requests for examples

One of our experts will answer as soon as possible

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here