Dahilan Kung Bakit Hindi Dapat Maghingutuhan sa Harap ng Kabaong

0
233

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Sa dami ng pinaniniwalaang pamahiin ng mga Pilipino tungkol sa mga patay, lamay at libing, may nabasa na ba kayo kung bakit hindi dapat magsuklay ng buhok sa harap ng kabaong o maghingutuhan? O may narinig na ba kayong kuwento tungkol dito? Maaaring meron na, pero sa mga wala pa, para sa inyo ang kaalaman na ito. Hindi ito base sa google o sa mga kuwentuhan sa kanto. Ang ibabahagi ko ay isang totoong pangyayari na nasaksihan ko mismo noong bata pa’ko. Isang tunay na karanasan.

May kapitbahay kami noon na namatay ang kamag-anak. Gabi-gabi ay nagbabantay sila sa lamay ng yumao nilang kaanak. Dahil siguro sa kawalan ng magawa ay hiningutuhan ng ate ang nakakabata niyang kapatid. Ito ay para palipasin ang kanyang inip. Subalit sa pagkabigla niya ay biglang naglabasan ang lahat ng kuto ng kanyang kapatid at naggapangan ito. Nangilabot ang mga nakakita dahil hindi ito pangkaraniwan. Sobrang dami ng lumabas na kuto na tila walang balak magpaawat sa paggapang sa ibabaw ng buhok. Hindi nila malaman ang gagawin dahil kahit anong pagpag nila ay patuloy itong naglalabasan mula sa buhok. Hanggang isang matanda ang lumapit sa kanila. Kumuha ng isang kuto at inilagay ito sa ibabaw ng kabaong. May inusal ang matanda na hindi ko naintindihan noon, marahil ay isang panalangin. Matapos iyon ay parang bulang naglaho ang mga kuto.

Maaaring hindi ninyo ito paniwalaan subalit ito ay totoong nangyari. Pwede ninyong sundin at pwede rin namang hindi. Naibahagi ko lang ang pangyayaring ito na may kinalaman sa mga pamahiin sa patay. Hindi ko rin alam kung bakit ito nangyari. Hindi ko rin alam ang sagot kung ano ang kinalaman nito sa patay o sa paglalamay. Basta ang nasisiguro ko lang ay isa itong katotohanan na pwede nating sabihin na nagkataon lang. Ang hindi ko lang din maipaliwanag ay ang paglalaho ng mga kuto nang mailagay ang isa sa ibabaw ng kabaong. Kayo, may karanasan ba kayo sa pamahiin na nagkatotoo?

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here