Dahilan Kaya Tumatalab Ang Gayuma

Fresh cup of coffee.

May mga taong hindi talaga kayang tanggapin na hindi sila mahal ng kanilang iniibig kaya naman ang iba sa kanila ay gumagawa ng paraan para makuha ito, sukdulang sila ay mandaya. Isa na rito ang paggamit ng gayuma Kahit kasi hindi mo mahal talaga ang isang tao ay magagawa niyang makuha ang iyong pag-ibig. Iyon nga lang hindi ang puso niya ang magdedsisyon kundi ang utak niyang nagawang mapasailalim sa itim na kapangyarihan,

Ikaw ba’y ba’y gustong mapasailalim sa ganoong kapangyarihan? Siguro naman ay hindi mo rin ibig na may kokontrol sa uso’t utak mo, hindi ba? Kaya naman kailangan ay alam mo rin ang Dahilan Kaya Tumatalab Ang Gayuma

Una, hinahayaan mong may taong tumititig sa’yong mata. Sabi nga,eyes are the window of the soul. Kaya, nagagawa niyang ipaabot sa’yo ang damdamin na gusto niyang makuha ang pag-ibig mo. Kung may kapangyarihan siyang itim ay magagawa ka na niyang kontrolin.

Pangalawa, tumatanggap ka ng pagkain at inumin na kanyang ibinibigay. Ang mga taong mayroong damdamin sa’yo ay maaaring maglagay ng gayuma sa’yong pagkain o iinumin para magawa nilang maangkin ang iyong pag-ibig.

Hindi man nila tuluyang maangkin ang iyong puso ay magagawa naman ng taong labis na nagmamahal sa’yo na kontrolin ang emosyon mo hanggang sa gusto niya. Kaya, kung ayaw mong mangyari iyon ay kailangan mag-ingat sa mga taong nakakasalamuha mo. Hindi mo sila ganoon kakilala para malaman mong wala silang kakayahan na gumawa ng pinsala sa’yong buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here