Dahilan Kaya Natutupad Ng Capricorn Ang Kanyang Ambisyon

Ang mga taong ipinanganak ng December 22 hanggang January 19 ay nasa  ilalim ng Capricorn. Sa pag-aaral ko sa  kanyang sign ay hindi ko masasabi kung talaga nga bang masuwerte siya o hindi. Marahil ay depende kung sino ba ang makukuha niyang kapareha dahil talaga namang hindi madali magmahal ng isang Capricorn.

Ang mga Capricorn kasi ay mga ambisyosong nilalang. Lahat ay gagawin nila para makuha ang kanilang pinapangarap. Okay na okay naman ang katangian niyang ito kung single siya kaya nga lang kung mayroon siyang karelasyon ay mawawalan siya ng oras sa kanyang ka-partner at dahil doon, mauuwi lang sa paalamanan ang kanilang relasyon. Tulad nga ng sinabi ko kanina, kung ang makukuha niyang partner ay may malawak na pang-unawa, siguradong makakapagtiis sa kanyang sistema.

Gayunpaman, sa kabila naman ng kanyang kakulangan ay mayroon pa rin namang siyang suwerteng maibibigay sa kanyang partner. Siya kasi ang tipo ng taong pamilya ang unang iniisip kaya kailangan niyang maging responsable sa kanyang buhay. Dahil nga sa ambisyoso siya at natupad niya ang kanyang ambisyon ay ibinibigay din niya ang lahat ng bagay na makakapagpaganda ng buhay ng kanyang oamilya.

Sa halip na ibigay niya ang luho ng kanyang mga anak, mas iniisip niya ang kinabukasan ng mga ito. Ang magagandang laruan kasi ay madali lamang pagsawaan at itapon pero ang educational plan, health plan at kung anu-ano ang makakatulong sa kanyang pamilya. Iniisip din kasi niya na baka kapag may masamang mangyari sa kanya ay maging kawawa ang kanyang pamilya.

Para sa marami, advance siya mag-isip kaya naman kalimitan ay pinagtatawanan ang ugali niyang iyon. ngunit, sa panahon ba natin ngayon ay nagawa nating isipin na maaari tayong mahinto sa kakatrabaho at makulong lang dito sa bahay? Sigurado akong mas marami pa ring Capricorn ang nakapaghanda sa kanyang kinabukasan.

MORE ARTICLES

Horoscopes     Kapangyarihan     Pamahiin    Panaginip      

Misteryo    Numerology    Zodiac   Beauty/Health

Your Birthday ( Kaarawan Horoscope)      Entertainment   

Religion    Panalangin  Relationships     OFW      LGBTQ    

New Wave (English)     Facebook     YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here