Dahilan kaya Minamalas ang Nangungutang

Nangungutang ka ba?  Hindi mo naman kailangang mahiya sa tanong na ito. Simple lang naman ang isasagot mo, oo o hindi at iyon ang isasagot mo sa’yong sarili.  Tapos tanungin mo ang iyong sarili kung ano ang iyong napala matapos mong mangutang. Nagawa mong masolusyunan ang iyong problema sige, pero, masasabi mo ba talagang nakaahon ka na sa paghihirap?   

Kung ang utang mo ay nababayaran mo talaga, masasabi kong may pag-asa ka talagang magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap ngunit kung ang sasabihin mo sa akin ay hindi mo pa nababayaran ng buo ang utang mo, masasabi ko sa’yong hindi ka magkakaroon ng kaginhawahan sa buhay niyan dahil para mo na ring tinakbuhan ang iyong responsibilidad.

May mga tao kasing bago magpautang ay binubulungan muna ang perang ipapautang sa’yo. Ito ay karaniwang ginagawa ng mga nagpapautang na may alam sa black magic. Ang sumpang usal kasi nila ay hindi ka magkakaroon ng magandang buhay kapag hindi mo nabayaran ang inutang mo sa kanila ng buo. Kaya, kung sa palagay mo ay hindi ka pa rin nakakaahon sa’yong pagkakautang tanungin mo ang iyong sarili kung nakapagbayad ka na ba ng utang mo.

Lahat naman ng taong nangangailangan ay nagkakautang, ultimo ang mga milyonaryo ngunit kanilang binabayaran dahil ang pagbabayad ng utang ay isang responsibilidad. Kaya kung pinipili mong tumakbo sa’yong pagkakautang, asahan mong hahabulin ka rin ng kamalasan dahil lagi kang iniisip at sinusumpa ng taong tinakbuhan mo.

O, nakapagbayad ka ba ng utang?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here