Dahilan kaya maraming pasaway

Ano sa palagay ninyo ang naging dahilan pasaway na mga kabataan? Karamihan sa mga kabataan ngayon ay sobrang pasaway na, nasa highschool pa lang ay  naninigarilyo, naglalasing at nagda-drugs. Kahit may mga kabataan na inaalagaan ng kanilang mga magulang mula pagkabata,  hindi iyon nakikita ng kanilang mga pasaway na anak.

May mga mahihirap na mga magulang na ginagawa lahat at pilit binibigay lahat ng pangangailangan ng kanilang mga anak upang maitaguyod lang ang pag-aaral ng kanilang mga anak, ngunit binabalewala lang iyon ng kanilang mga anak. Hindi alam ng kanilang mga anak kung gaano kahirap ang pinagdaanan ng kanilang mga magulang upang matustusan lang ang kanilang pangangailangan at makakain sila araw-araw. 
Tulad na lamang ng isa kong kakilala, sobrang hirap ang dinanas ng mga magulang dahil sila pa mismo ang magbaba sa bundok ng kanilang produkto at kahit matatanda na’y sila pa mismo ang nagbubuhat ng mga ito pababa ng bundok dahil sa katamaran at kaartehan ng kanilang mga anak, subalit hindi iniinda ng mga magulang  ang hirap na kanilang dinanas dahil gusto nilang makatapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak.
Siguro hindi lahat ng mga kabataan ay  puro maaarte at pagbibisyo lang ang inaatupag. Ngunit, sana man lang makikita nila ang ginagawa ng kanilang mga magulang para sa kanilang kabutihan. Hindi dapat ikakahiya ang  magulang kahit ano pa ang kanilang trabaho. Dapat nga proud ang mga anak kapag may ganoon silang magulang dahil pinapatunayan lamang nito ang kanilang pagmamahal. Gayunpaman, may mga magulang naman na marami ng pera pero hindi pa rin makuntento sa pagpapayaman. Iniisip nila na kapag naibigay na nila ang kailangan ng kanilang anak ay okay na  at hindi na sila kailangan ng kanilang mga anak. Iyon ang malaking pagkakamali nila dahil lahat ng kabataan ay pangangailangan sa pagkalinga ng kanilang mga magulang. Ang naging resulta sa pagpapabaya ng mga mayayamang magulang sa kanilang mga anak ay nagsipasok ang mga ito sa mga iba’t-ibang grupo at nagiging drug addict. Siguro naman ay hindi lahat ng mga mayayamang magulang ang nagpapabaya ng kanilang mga anak?
Lahat tayong mga magulang ay responsibilidad nating subaybayan ang ating mga anak. Hindi natin sila dapat sinasaktan. Oo nagkakasala sila  subalit hindi ibig sabihin noon ay pwede na natin silang saktan, dahil kapag ganoong ay lumalayo ang loob nila sa atin. Kung sila ay nagkakamali, ang pwede lang nating gawin ay pagsabihan sila at kausapin ng maayos. Dapat nating ipakita sa kanila kung ano ang tama at mali, gumawa tayo ng mga halimbawa na talagang makikita nila kung tama nga ba o hindi ang ginagawa nila at kung ano ang kahihinatnan nito. Kapag lagi nating ipinapaalala sa kanila kung ano ang tama at mali, kalaunan, malalaman din nila kung ano ang kanilang dapat gawin. Tayong mga tao ay hindi perpekto at kapag tayo ay nagkakamali ng desisyon minsan alam na natin kung dapat pa ba nating ipagpapatuloy ang ating kamalian.

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

PhilippineOne is actively accepting articles in Tagalog or English from Filipinos and/or expats living in the Philippines.  Get published today on any subject you feel like writing about. Send your articles to info@philippineone.com with a brief description.

SHARE
Previous articlePahula 131: Alamin ang mga bagay na hindi mo dapat kalimutan
Next articleOnline Horoscope Hulyo 26, 2018

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here