Dahilan kaya Magkakaiba ang Ugali ng Magkakapatid

98

Magkakaibang tao tayo kaya natural lamang na magkakaiba tayo ng ugali at pagkatao, lalo na  kung iba-iba naman ang ating mga pinagdaanan. Ngunit, hindi ko maiwasan ang magtaka sa sinasabi ng iba na kaya may mga taong barumbado at maginoo, bulagsak at matipid, mabait at salbahe gayung iisa lang naman ang kanilang pinanggalingan — ang kanilang ama at ina.

Alam mo ba kung bakit?  Dahil iba-iba ang sitwasyon habang silang magkakapatid ay ipinaglilihi ng kanilang ina. Bukod doon iba rin ang paghahandang ginagawa ng kanilang ama.

Kapag panganay na anak ay sobrang excited ang kanilang mga magulang dahil dama nila ang pagmamahal sa isa’t isa. Kaya naman lahat ng bago ay kanilang binili, kaya naman siguradong lalaking spoiled ang panganay na anak. Ngunit, kung ang sitwasyon naman ay mahirap ang mag-asawa at ibig talagang umangat sa buhay ay siguradong magkakasya na lamang sila sa pinaglumaang damit At sa aglaki ng bata ay magiging matipid din siya at resonsable.

Ang mga bunso ay kalimitang nagiging spoiled dahil ipinaglilihi pa lang siya ay lahat na ng atensyon ay nasa kanya. Hindi lang ng kanyang mga magulang kundi pati ng kanyang mga kapatid na naghihintay sa kanyang paglabas.

At kung pangalawang anak naman ay makikitang ang mga magulang niya ay mas stress dahil nga madadagdagan na ang miyembro ng kanilang pamilya kaya marami silang dapat na isipin. Kaya kung susuriin mo, parang ang mga ikalawang anak ay palaging iritado at kung minsan ay parang laging kulang sa pansin.

O, ano ba ang ugaling anak mo?Alalahanin mo nga kung paano mo siya ipinaglihi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here