Dahil sa pangako at pag-ibig

0
162

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

Huwag kang magbibitaw ng pangako na hindi mo kayang panindigan dahil masakit ang umasa. Tandaan n’yo sana, mga katsismosa, ang katotohanan na ito para hindi ka mapasok sa gulo. Hindi maeeskandalo at pamilya mo at hindi pa manganganib ang iyong buhay. Para maintindihan mo ang sinasabi ko, kailangan mong mabasa ang istorya ng aking kababata.  

Maliliit pa lang kami ay wala ng pangarap si Mico kundi ang pakasalan si Isabelle. Kaya naman nag-aral siya ng mabuti at nagtapos ng Engineering. Dahil nga sa mababa ang sahod dito sa Pilipinas ay ginusto ni Mico na mag-abroad. Nagkaroon siya ng tsansa sa Saudi. Mahal na mahal ni Mico si Isabelle kaya nangako siya rito na kapag balik niya ay pakakasalan niya ito. Kailangan lang daw talaga nitong mag-ipon para magkaroon sila ng magandang buhay.  

Sabi naman ni Isabelle ay hihintayin niya ang pagbabalik ni Mico kaya lang ng magdadalawang taon na si Mico sa abroad, parang bigla siyang tinabangan sa kanilang relasyon. Isa kasing binata ang dumating sa kanyang buhay. Mabait at guwapo kaya naman ang pangako niya kay Mico ay nalimot niya.  

Dahil sa hindi na sinasagot ni Isabelle ang tawag ni Mico ay napabayaan ni Mico ang kanyang trabaho, nagkakaroon na siya ng depression. Dahil sa ayaw niyang tuluyang mabaliw dahil sa kakaisip sa kanyang pinakamamahal, minabuti ni Mico na umuwi ng Pilipinas kaya lang mas nakaramdam siya ng ‘pagkabaliw’ nang malaman niya ang katotohanan.  

Si Isabelle, ang babaeng pinangarap niyang pakasalan ay nagpabuntis na sa ibang lalaki. Hindi niya iyon magawang tanggapin. Sa loob kasi ng dalawang taon ay ginawa niyang inspirasyon ang pangako nila ni Isabelle sa isa’t isa tapos ay wala palang mangyayari sa pangako na iyon kaya naman hindi na niya alam kung ano ang tama at mali. Basta ang alam niya ay mahal niya si Isabelle at dapat lang ay mapasakanya ito.  

Inabangan niya ang lalaking umagaw kay Isabelle at sinaksak niya ito. Mabuti na lamang at hindi natuluyan ang lalaki. Gayunpaman, kinasuhan pa rin siya ng attempted murder. Nakulong man siya pero laging sinasabi ni Mico na hindi niya pinagsisisihan ang ginawa. Sabi pa niya, kapag nakawala siya ay muli niyang babalikan ang lalaking iyon para patayin.  

Dahil sa ipinakitang iyon ni Mico, sa halip na manatili sa kulungan, dinala siya sa Mental Institution siya dinala. Matinding depression kasi ang kanyang pinagdaanan dahilan para hindi na niya malaman kung ano ang tama at mali. Basta sa utak niya, ang lalaking iyon ay dapat mawala para makuha niyang muli ang pag-ibig ni Isabelle.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here