Dahil ang aso ay man’s bestfriend… IBINULGAR NI MAESTRO ANG MGA DAHILAN KUNG BAKIT NINYO NAPAPANAGINIPAN SI DOGGIE

47
16741
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Tunghayan natin ngayon ang panaginip ni Richard ng Novaliches, Quezon City tungkol sa mga alaga niyang aso.

Dear Maestro, 

Ano po ba ang ibig sabihin ng lagi kong napapanaginipang nakikipaglaro raw ako sa mga alaga naming aso? Minsan ay natatakbuhan kami at minsan naman ay hinaharot ko sila.

 

KASAGUTAN:

Sa makaluma o pang-tradisyunal na kahulugan, at sa pang kalahatan ang aso sa panaginip ay may magandang pinapahiwatig.

Kung sa iyong panaginip ay natutuwa ang aso, sumasalubong at kinakawag pa ang buntot, nangangahulugan itong makadarama ka ng kakaibang ligaya mula sa isang kaibigan makakadaupang palad mo sa susunod na mga araw.

Kaya nga sa panaginip mo, Richard, na masayang nakikipaglaro sa alaga ninyong mga aso, ito ay indikasyon lamang na sa susunod na mga araw, dagdag na saya at tula o mga “gimmick at happenings” ang pagsasaluhan ninyong magkakaiban na magdululot sa iyo ng sobrang saya at tuwa.

Kung tinatahulan o inaangilan ka ng aso sa iyong panaginip ito ay tanda na sa susunod na mga araw maaaring may makagalit o makatampuhan kang kaibigan o kaya naman’y may mga kaibigan na palihim na maninira sa iyo.

Sa magkasintahan, kung mabait at maamo sa iyo ang aso ito ay nangangahulugang tapat at magiging mabait din sa iyo ang iyong girlfriend o boyfriend. Ngunit kung tinatahulan at inaangilan ka ng aso sa iyong panaginip ito ay babala na sa susunod na mga araw magkakaroon kayo ng LQ ng boyfriend o girlfriend mo.

Dahil ang aso ay itinuturing na “man’s best friend” sa pangkalahatan kung ito ay iyong mapapanaginipan mapalad ka dahil ang aso sa iyong panaginip ay nagpapahiwatig na sa kasalukuyan ikaw ay napapaligiran ng mga tapat at mabubuting kaibigan.

Sa modernong kahulugan o pang-psychology na interpretasyon, ang aso sa iyong panaginip ay representasyon ng sarili mong kasanayan at talent (skills and talents) na maaaring nagpakita sa iyo ang aso sa iyong panagainip dahil nakakaligtaan mo ng idevelop o paunlarin ang ilang mga skill at talent mo sa kasalukuyan.

Kaya nga maaaring sinasabi sa iyo ng iyong panaginip na “balikan mo ang ilang mga likas mong talento at kasanayan upang sa panahong ito sa sandaling ito ay iyong ginamit magdadala ang nasabing special skills at talents mo sa tiyak na pag-unlad at kaligayahan.

Kung sa iyong panaginip ay tumatahol ang aso, ito ay paalaala naman ng iyong unconscious self na sa kasalukuyan mas mainam na “mag-iba ka ng direksyon” o mas maganda kung magbabago ka ng diskarte sa halip na ituloy mo ang makaluma at ang dati ng mga paraan na iyong ginagawa.

Kung may binabalangkas ka namang plano, ang pagtahol ng aso ay maaaring babala, na dapat mong pag-isipang mabuti ang iyong mga balak, bago mo ito tuluyang ipatupad, upang makaiwas ka sa pagkakamali at tiyak na kapahamakan.

Kabaliktaran naman nito kung sa iyong panaginip ay maamo sa iyo ang aso, na akala ng aso sa iyong panaginip ay ikaw ang amo niya, ito ay tanda na namang sa kasalukuyan nasa “right direction” ka ng buhay at makatuwiran lamang na ituloy mo ang mga dati mong ginagawa at ito ay kasiguraduhan ding kung itutuloy mo ang iyong mga plano at balakin sa buhay, at dadagdagan mo pa ng pagsisipag, tiyak na sa bandang huli ay aani ka ng malaking tagumpay at karangalan.

Dagdag dito, ayon sa psychologist na si Carl Jung “In alchemy the dog is associated to the primal material and therefore, was essential to transformation”. Ibig sabihin, kapag nanaginip ka ng aso sa susunod na mga araw may malaking pagbabagong magaganap sa iyong buhay lalo na sa aspeto o larangan na may kaugnayan sa career at lipunan.

Para sa mga negosyante ang aso ay nagpapahiwatig ng malaking halaga ang kikitain sa susunod na transaksyon, kaya lang kung hindi iingatan ang salaping kinita, may posibilidad na maubos din ito sa good-time at sa pagbu-blow-out sa mga kaibigan at kabarkada.

Sa mga namamasukan at pangkaraniwang empleyado, ang aso sa panaginip kung nagagalit o tumatahol ito ay babala na isang malapit na kaibigan o isang kasamahan sa trabaho ang malamang na magpahamak sa iyo. Kung natutuwa naman sa iyo ang aso sa panaginip, sumasalubong at kumakawag pa ang buntot ito ay tanda na sa tulong ng mga kaibigan maging okey sa alright at magiging masaya ang susunod na mga araw.

Sa mga estudyante ang aso ay nangangahulugang tulong mula sa mga kaibigan at kamag-aral upang mas madali mong mai-submit at maisakatuparan ang mga takdang aralin at dahil din sa tulong ng mga malalapit na kaibigan, makakatanggap ka ng mataas na marka sa iyong mga asignatura.

Kung ikaw naman ay isang ginang ng tahanan na wala pang baby, at nakapanaginip ka ng mga cute na tuta o magaganda at matatabang mga puppies ito ay nagbabadya na sa susunod na mga buwan, kung sa panahong nanaginip ay papanayin ang pakikipagtalik sa iyong asawa, maaaring mabuntis at magkaanak ka ng malusog at mabait na lalaking sanggol.

(Sa mga gustong magpa-interpret o mabigyang kahulugan ang kanilang panaginip. Mag-message lamang po or mag-comment sa ilalim ng artikulong ito. I-scroll down n’yo ang cursor, mababasa ang LEAVE A REPLY, Comment: D’yan n’yo po isulat ang buong detalye ng inyong panaginip. Kung ayaw ipabanggit ang tunay na pangalan, maglagay ng “code name at city or provincial address.” Walang bayad at buong puso po namin kayong paglilingkuran. Maraming salamat po! – MHO) 

Gusto mo bang matunghayan ang iba pang mga pagtalakay ni Maestro Honorio Ong tungkol sa panaginip? Maaari rin kayong magtanong “online” sa kahulugan ng inyong mga panaginip. Walang bayad namin kayong paglilingkuran. Manatili at lagi lamang sumubaybay sa pang-araw-araw niyang kolum dito lang sa Philippineone.

47 COMMENTS

  1. Yung makagat po ng musang sa hinlalaki anu po ibig sabihin?

    Saka ngayung madaling arw namn kinagat AQ ng pusa sa kmay o braso PA interpret naman po pls…

  2. Hello po Maestro, ano po ang kahilugan ng panaginip ko na nakasakay daw po ako sa eroplano pero nag emergency landing po ito sa tuktok ng bundok pag tanaw ko po sa my bintana mga bundok na parang chocolate hills po kaso dagat ang nakapaligid dito tas dun sa pinakadulo sa pinakataas ng isang bundok my isang bahay kubo simply lng ung bahay kubo pero my hagdanan paakyat sa bahay kubo , tas pagtingin ko nmn po sa kabilang side magandang tanawin nmn po mga ibat ibang uri ng bulaklak para xang isang paraiso my mga ibat ibng klase ng mga hayup my lovebirds my ahas at kong ano ano pa ano po ang ibig sbhn nun

  3. Tatanong ko lang po kung ano ibig sabihin ng panaginip ko. Nung una po kase nanaginip ako ng aso galit na galit daw sa akin tas next day aluhipan naman po pumunta sa katawan ko tas ngayon po aso na naman pero mabait na akala ko nga kagaya nung aso sa panaginip ko nung una. August 26,1993 po birthday ko

  4. Good afternoon po napanagipan ko ang aso ko na merun siyang pilay at payat saka naka tali siya ang aso ko kasi 3 months ng Wala dito sa house nag Ka sakit siya ng parvovirus Kaya Iniwan na lng siya ng asawa ko Sa damuhan mula noon Hindi na siya bumalik dito Sa house at lagi na siyang NASA panaginip ko anu po ang meaning bakit Ganun saka gusto ko Alamin if buhay paba siya or Wala na kasi nung umalis un deto Sa house buhay pa siya pero ayaw ng kumain at nag vomit at tae siya thank you po God bless please po I will wait the answer

  5. Good afternoon po ask ko lng po anu meaning ulit Sa aso ko na lagi Sa panaginip ko 3 months na siya Wala saamin at buhay siya nung umalis deto pero mrun sakit vomit at nag tae siya ayaw ng kumain gusto po malamsn if until now buhay pa ba siya or Wala na kasi po lagi siya Sa panaginip ko na parang ng Hinge ng tulong saka haplos haplos ko Ung makha niya Sa dream ko at natuwa siya saka nag wiggle ung tail niya parang gusto niya na kunin ko siya sabik na sabik siya Sa akin gusto ko lng malaman po if bakit Ganun saka nung dto pa siya dati sweet na sweet na talaga siya sakin malapit siya sakin Kaya miss ba miss ko na siya na iyak ako pag na Alala ko siya aso ko gusto ko makita siya ulit at kunin ko Sa time na ung umalis siya gulong gulo na icip ko nun sabay sila kasing nag kasakit ng ank ko ang name niya ay Takao big dog all white color and pink nose

  6. Maganda araw maestro ano po ba Ang kahulugan nangyri panaginip ko na sa isang lugar ako at may mga umatake sakin aso na pilot nila akong kinakagat ngunit Tila may liwanag sa aking mga paa na Kung saan Ay tumatalon ako Para makaiwas sa pagkagat at Pag atake sakin nang mga aso. Ako po pala si jc taga manila. Salamat po

  7. Sir tanong ko lng po kung anong ibig sabihin ng aking panaginip. Papasok daw po aq sa school, dahil mali-late na daw po aq kinailangan kong dumaan sa mas malapit kaya lang pagdating ko sa tatawiran kong tulay, may nakaharang na 2 malaking aso. Natakot po aq pero mukha namang mababait sila kc hindi naman tumatahol. Nakita ako ng isang lalaki na natatakot tumawid sa tulay kc nga dahil sa aso kaya ang ginawa nya pinuntahan nya ung 2 aso at kinawayan nya aq na pwede na akong dumaan. Kaya lang po nagising na ako sa puntong iyon. Ano pong kahulugan ng panaginip ko? Sana po masagot nyo po. Thank you po!

    • Good morning po ano po bang kahulugan sa panaginip kong aso ngayon lang nakita ko daw yung aso sa may bintana ng aking kwarto at ako napasigaw dahil sa sobrang takot
      .sana po masagot niyo thank u

  8. Magandang umaga maestro nanaginip po ako aso pero mabait syà skin at nanaginip din po ako ng sapa pero mababaw lang at pagtungtong ko sa sapa hindi nabasa ang mga paa ko. Ano pong kahulugan ng panaginip ko? Salamt po.

  9. hello po, pano po ang panaginip ko napapanood ko po un kakampi kong aso hinahabol ng 2 pa na aso na galit na galit. naghabulan po sila sa bintana pabubong na ayaw nila makatakas un isang aso pero magaling po un aso ko nakatakas po sya sa tulong ko po, sinisigawan ko at tinutulungan ko san daraan etc.

  10. Anu po ang ibig sabihin ng panaginip ko, binigyan ko ng pagkain yong tuta pero hinabol nya yong kamay ko tapos kinagat nya

  11. Ask ko lang po,
    Ano po meaning kung ang panaginip ay isang mabangis na aso ang gustong kumagat saakin ngunit hindi ako nakagat dahil naunahan ko sya at napatay ko, pagkatapos napatay ung aso ay tinago dahil hinahanap ito ng may ari,
    Maraming salamat po sa pagreply,

  12. Gud day po…kagabi july 2 2018 nakapanaginip po ako ng 3 aso na puro malaki na masaya at kumukuwag ang buntot nila 2 s knila ay mabalahibo at kulay halong itim at brown at ung isa ay d mabalahibo at kulay light brown n me konting puti…nais ko lang malaman anu ang ibig sabihin nito kasama ko din s panaginip ko ang nanay ko at 2 celebrities n me dala sa aso…

  13. Hi goodmrning po. Anu po kahulugan ng panaginip q na nakagat aq ng cute na tutang aso. Sobrang galit daw sakin yung tuta at talagang hinahabol pa daw aq para makagat ulit matapos q makawala sa kagat nya sa tulong ng mga taong nakapaligid samin. Twice q na po sya napanaginipan. Please pakibigyan po ng kahulugan panaginip q. Iba kasi yung feeling q sa panaginip na ito kasi twice q sya napanaginipan.

  14. Dear maestro,

    Good day po..
    Ano po ibig sabihin na nanaginip po ako ng dilaw na ahas biglang naging aso na higante nakita ko ito sa likod ng aming bahay tapos pumasok sa aming bintana pabalik pasok palabas po sya sa sobrang takot ko ay binato ko ito ng malaking bato tapos sya ay nasugatan dumudugo po ito sa ulo. Pagkatapos parang nasaktan po ako sa ginawa ko sa kanya..

  15. Hi maestro ano po kya ibig sabihin sa panaginip ko naliligo kmi ng anak ko tapos
    doon sa drum n pinampaligo namin ay merong aso pero maamo naman at pipaalis ko at doon naman sa parang spring merong pusa pinapalis ko ayaw umalis at maamo dn yong pusa nakikisabay sa pagligo .

  16. anu po ibig sabhin kapag..nanaginip ka ng kambal na aso at ahas..pero mas inuna mo kunin un aso.pero pumunta un ahas sa tubig tapos gsto ako kagatin??

  17. Hello po, anu po ang kahulugan ng panaginip ko kami ng kapatid ko na bunso ay at mga kaibigan ay sinalubong ng madami at malalaking aso na parang gusto kaming kagatin pero pinagmamasdan lang kami ng mga aso habang nakatayo, pero hindi naman po tumatahol?

  18. Magandang araw po nanaginip po ako kagabi tungkol sa asu 08-31-18 galit na galit po ang dalawang aso sakin at pinag kakagat po ako sa panaginip ko hangang sa magising nalang ako anu po kaya ang ibig sabihin nung panaginip ko?.

  19. Gusto ko lang po malaman anu ibig sabihin nung napanaginipan ko, medyo ang weird po kasi..Isang araw daw, may pinuntahan kaming lalaki di ko po siya kilala at di ko rin alam bakit ako andun..Tapos po may alaga siyang aso, nagulat po ako kasi tumingin po sa akin yung aso at biglang nagsalita na may isang cobra (ahas) daw na gusto akong tuklawin..Limang beses na daw po yung ahas na balak akong tuklawin pero lagi raw po ako nililigtas ni Lord kasi di raw ako hinayaan mapahamak..Binanggit po nung aso yung mga limang lugar na di ko na rin matandaan exactly pero alam ko po ang mga lugar na yun, andun lang yun sa amin…Sa mga lugar daw po na yun na pinuntahan ko, andun lagi ang cobra para sana ako tuklawin pero di nangyayari kasi raw andiyan si Lord na binantayan ako..anu po kaya ibig sabihin nung panaginip ko na yun kagabi?

  20. Ano po kahulugan ng panaginip ko na nanganganak daw po yung aso tapos po yung tuta medyo malaki na po at naglalakad o natakbo na mga nasa 1-2 months na po siguro, gusto ko po kumuha ng isa dahil nagagandahan ako sa tuta kaso po madaming nakabantay na malalaking aso kaya natatakot ako baka kagatin ako.

  21. Goodmoorning po ano po ba kahulugan nang aso sa panaginip ko habang naglalakad kami sa dahan ng tatay ko ay may isang asong galit na nakatingin sa amin

  22. Anu po ibig sabihin ng panaginip na hinahabol ng aso?ung anak ko po kasing lalaki 3 days na daw sya nananaginip na hinahabol ng aso…Thanks

  23. Dear maestro ,

    Ano pong ibig sabihin ng aso sa panaginip? Sariling aso ko po ung nakita ko sa panaginip ko! May pinuntahan kming lugar na parang mall or pet house bgla syang tumakbo may hinahabol sya at may inaangilan maliit na hayup . Maybe pusa dko na po matandaan , tapos ung paa ko pinang hahawi po sa pagaangil nya dun sa hinahabol at tinatahulan nya tas hndi po sinasadya nakagat nakagat nya po ako sa paa . Salamat po sa pag sagot maestro!

  24. Dear maestro,

    Ano pong ibig sabihin sa panaginip ko na kinagat ng aso ang aking kamay na sana sa aking mukha pero dahil nasangga ko ang aking kamay ay iyon ang kanyang kinagat.

    Noong pinuntahan ko ang may ari ng aso para hingan ng tulong para sa pang pagamot ang sabi saakin wala daw silang obligasyon dahil sa daan daw nangyari.

    Sana po ma tulongan u ako…
    Salamat po

  25. Dear Maestro,

    Anu po ibig sabihin Ng panaginip ko .. pinugutan Ng upo at mga paa ang 2 Kong alagang aso pero hindi cla namatay walang dugo.. tapos iyak ako Ng iyak nagwawala ako dahil Sa nangyari .. Tpos ang pamilya ko my sinasabi cla pero hindi ko maintindihan.. salamat

  26. Dear maestro,ano PO kahulugan Ng panaginip ko dalawang aso daw Po Yung parehas nka kulong sa magkaibang kulungan tapos Yung isang aso ay Galit n Galit Doon sa Isa pang aso…dahil sa pagwawala nya sa kulungan nya…nkawala xa at sinugod nya Yung Isa pang aso at kinain ng buo at Ng makain na d n rin ito mkahinga…habang nakapanood lng Po ako at Walang nagawa.pero Hindi nmn ako natahulan o Kahit nasagi lng Ng away Ng dalawang aso…may ilang buwan ko n pong npanaginipan ito pero hanggang sa kasalukuyan ay iniisip ko parin Ang kahulugan noon…

  27. Dear maestro,
    anu o kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko, bigla ko na lang nakita sa panaginip ko yung 2 indian na dati kong katrabaho at nagkainuman kami tapos nagkakwentuhan ng mga buhay namin at naikwento ko kung anu yung magandang nangyayari sakin sa kasalukuyan, oo nga po pla, mga dati kong kasamahan sa trabaho nung nasa australia po ako nuon. tapos po nung nagkayayaan na po kami na umuwi, sabi ko sa isang katrabaho ko na madalas kong kasama nuon na ihahatid ko sya kung saan sya tumuloy dito sa pilipinas kasi dti ko sila nakita sa pilipinas sa panaginip ko, habang naglalakad kami pauwi, biglang may umakbay sa aming dalawa na babae at sumabay samin, dahil selosa po ang asawa ko, natakot po ako na makita ako ng asawa ko na may nakaakbay sa amin na babae kaya palihim po kami na naglakad, tapos pinabayaan ko na maglakad ng sabay yung kaibigan ko tsaka yung babae, tapos nakita ko yung legs nung babae na maraming peklat dahil nasa likuran nila ako habang naglalakad, huminto kami tapos umuwi na yung babae sa bahay niya, habang naglalakad na kami ng katrabaho ko biglang may mga asong galit na galit na hinahabol kami. siguro po mga 3 o 4 na asong galit na galit. tapos yung po. bumalik ako sa pinanggalingan ko, tapos hinahanap ko po yung asawa ko pero di ko po sya makita. anu po kya ibig sabihin ng panaginip ko? kasalukuyan po akong nagnenegosyo. salamat po

  28. Vinus
    Ano pong ibing sabihn ng panaginip ko.una po my tatlong pusa daw na sumusunud saakin at humahagod sa mga binti ko.kulay itim po at puti.bali magkasunud na gabi kuna po napapanaginipan yung tatlong pusa.yung unang gabi po dalawang pusa na itim at ung isa itim my halong red.tapos nung pangalawang gabi itm at mga puti na yung pusa katamtaman lang po ang laki nla sumusunod daw cla saakn.tapos my biglang lumitaw na maraming tuta kulay puti po lahat.kinarga ko daw ung iba at ung iba sumusunud dn cla saakn.tinatakbuhan ko daw po ung mga tuta at tinataguan ko sila.pero nasusundan parin daw nla ako.ano po kayang ibg sabihn ng mga panaginip ko? Maraming salamat py

  29. Ilang beses npo ako nkpanaginip ng aso. Inangilan ako ng asi pero ndi nila ako mkgat lhit dlawa p cla. Kc mtapng ko silang nilalabanan tig isa hawak ko bwat isa s knila. Ndi ako mkgat s panaginip ko, yan yung time ngkron kmi ng lo lq ng aswa q nhuli ko sya nkkpgcht s iba s imo n nwwlan n sya nv oras s aken. Tapos knina npanaginipan ko nmn dlwang aso nmi. N nkakulong nka wla cla s kulungan.. Ngising po ako bglA. Lately po mga aso ang npp aginipan ko pero ndi nmn po nila ankkgat bgkos nilllbanan ko cla at d nula ako mkgat

  30. Nanaginip po ako ng aso bigla na lang po niya ako kinagat sa may pulsuhan pero hindi po natuloy kasi pinigilan ko po yung bibig niya maidiin sa pulsuhan ko.at bigla po akong nagising ano po bang ibig sabihin ng panaginip ko po

  31. Hello Po kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko
    Yung aso ko sa panaginip ay tumatae ng madaming dugo as in dugo po tlga say.
    Maraming selamat po sa inyong kasagutan

  32. Anu po kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko na ung aso ko po ay tumatae ng dugo as in subrang dame po.
    Tas subrang iyak ko po nun
    Selamat po sa sagot

  33. hello poh…anong ibig sabihin sa panaginip na ginagat ako ng aso sa kamay tapos hinila ko raw ang bibig ng aso sa dalawa kng kamay hanggang sa namatay ang din ang aso..anong ibig sabihin nyan?

  34. Good day po .. Nais ko po malaman ,,, ano po kaya ibig sabihin ng panaginip ko na kunyare ay papunta ako ng isng sari sari store tapos may mga aso nakakalat pero isa sa mga aso na yun ay pilit akong kinakagat sa binti buti at naibalabal ko ang bath towel na dala ko at di bumaon kagat nya , habang pilit nya kagatin binti ko hinimas ko ulo ng aso at kumalma sya at nahiga na tila nagustuhan nya ang paghaplos ko sa ulo nya at ng nanahimik ang aso humingi ko saklolo sa may ari ng tindahan at dahan dahan nya inalis ang aso sa tabi ko at bigla na ko naalimpungatan nagising, salamat po looking forward na mabasa nyo po at masabi sa akin ang meaning nito .

  35. Ako po ay nanaginip papunta sa isng sari sari store hbng nagllkad nkkita ko ng mga aso isa mga yun bigla pilit kinakagat ang binti ko buti at naiharang ko ang dala ko na bath towel hbng busy ang asa sa pagpilit kagatin binti ko hinaplos ko uluhan nya at pinaklma ko ito at nahiga ang aso na tila gusto lng nya pansinin sya at haplusin ulo nya at sa ganun sinaryo humingi ko tulong sa may ari ng tindahan sa takot ko na baka pag itigil ko ang paghaplos ko sa aso ay tahulan ako at habulin ,ginawa ng aling bbae binuhat anf aso at bigla na ko nagising , salamt at looking forward po sa inyong reply .salamat po

  36. ako po ay nanaginip na kinagat ng aso sa kanang kamay at sa pwet… may ppuntahan daw kmi ng nanay ko at kapatid kong lalaki.. patawid kmi sa ilalim ng tulay kc kakain daw muna kmi ng pares dahil gutom na nanay ko tumakbo dw nanay ko kc nagmamadali hinabol siya ng aso pati aqo hindi dw aq tumakbo kundi nanalangin n huwag akong kagatin pero kinagat pa rin ako sa pwet at sa kanang kamay.

  37. Nanaginip po aq ng maraming aso, una po ay pinakain q ang aking mga alagang aso ng iwan q cla sandali, at balikan q cla may isang asong nakakalunos ang hitsura nea nung una ay natakot aq akala q eh sasagpangin nea aq, naisip q n may mga pagkain aq na pwedeng maibigay sa knea tinawag q cia at pinakain. Pumunta nmn cia at kumain. Lumabas aq ng bahay at ng balikan q cia hnd na cia iisa. Marami n clang kumakain puro sila mga nakakaawang tingnan. Parang mga palaboy sa daan n walang nangangalaga sa kanila. Hinayaan q clang kumain dahil mukhang gutom n gutom sila. Dumating ang nanay q at nagulat cia sa nakita nea. Sav nea paalisin q daw cla. Naubos nmn n nila ung pagkain nila kaya minabuti qng paalisin n sila. Ngunit may isang aso n parang ayaw nea ng umalis at parang mas gusto nea n alagaan q cia. Naging maamo mukha nea zken. Ano po ang ibig savhn ng panaginip qng yun. Sana po ay matulungan neo aq na maintindihan ang ibig savhn ng aking panaginip. Maraming salamat po.

  38. ako po ay na na ginip n a matay po ang aking alagang aso. sya po ay nsa kulongan pero nka tali po sya habang nsa kulongan ng pupuminglas po sya at pilit gstong mka wala na kita ko po ang leeg nya puno ng dugo at hanggang n bigti n sya at namatay .

  39. Good morning po..ilang araw n po akong nananaginip tungkol sa aso..nung una pong nanaginip ako ng aso mababait po sa akin pero nitong nkaraan po lagi ng galit at tumatahol..may dalawang beses p nga pong kinagat ako sa kanang kamay n halos ngsugat at ung isa sa daliri nmn ako kinagat.d ko po alam kung bkit ako nananaginip ng ganon.salamat po

  40. Hello po ano po ibig,sahib ng panaginip na pinatay ng tatay mo alaga mong aso iyak ka ng iyak ,,naka gising po ako Paul it ulit ang position sa pagtulog and in parin still continue panaginip ko na umiiyak ako

  41. Good day po ,ano po kaya ibig sabihin,napanaginipan ko po ang alagang tuta ng anak ko, ay malaki na daw malusog at maganda,kasama sya ng asawa ko nakadamit pa ito,ipinasan ito ng asawA ko sa likod ko takot na takot aq na baka kagatin aq pilit ko ito ipinapatangal ngunit ayaw umalis ng aso parang nakayakap pa sa akin dinidilaan ako nito,iyak ako ng iyak sa takot,khit maamo mabait at malambing ang aso

  42. maestro..
    nananiginip po ako ng aso.
    ang aso na yon, ay mayroong may-ari na babaeng negosyante.
    ngayon, ang nangyari,
    biglang lumabas ang aso sa kulungan, at nakita ko sa aso na may TALI ito sa BIBIG.
    pero maluwag lang, dahil siguro para makakain yung aso kaya linuwagan yong tali sa bibig. nakita ko rin sa aso mukhang masayahin yong aso. para bang masayang masaya yung aso na nakalabas siya sa kulungan niya.. at sa gitna ng kagalakan ng aso nabundol niya yong binti ko. lumapit yung babaeng May-ari ng aso, hinampas nya ito ng walis tingting at sabay sabi na “bumalik ka sa kulungan mo” at parang naintindihan ng aso ang sinabi ng babae, bumalik yong aso sa kulungan nya.
    pero pagtingin ko sa binti ko may KAGAT NG ASO, markang marka pa yung ngipin ng aso sa binti ko.
    hindi ko namalayan na kinagat pala ako, kasi wala akong naramdamang sakit. dun ko lang napansin ang kagat, ng umalis na yung aso….

    “ANO PO IBIG SABIHIN NG PANAGINIP NA ITO. ”
    SANA PO, MAPANSIN MO ITONG COMMENT NA TO MAESTRO.. AT MABIGYAN NYO PO AKO NG KASAGUTAN..
    MARAMING SALAMAT PO. AT GODBLESS…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here