Dagat ng Pag-ibig

0
320

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Ang dagat ng pag-ibig ay walang kasing lalim

Kayhirap languyin, kayhirap arukin

Paano uunawain, paano iintindihin

Di mo mababatid, puso ma’y tanungin…

 

Ang dagat ng pag-ibig, ay walang kasing lawak

Kayhirap makita,ang iyong hinahanap

Kung ikaw ay sadyang isang sawimpalad

Di mo mahuhuli, ang ligayang mailap

 

Ang dagat ng pag-ibig, ay dagat ng pagsubok

Dapat kang lumangoy, alon ma’y sumalpok

Kayanin mong sumalungat, sa malakas na unos

Kung hindi ang puso mo, sa dusa’y malulunod…

 

Ang dagat ng pag-ibig, ay batbat ng hiwaga

Malulunod ka sa tuwa, kung minsa’y sa luha

Kung along malakas, iyong makasagupa

Sa langit tumingala, humingi ng himala

 

Kung ikaw ay palalaot, sa dagat ng pag-ibig

Tiyakin mong mabuti, na matibay ang dibdib

Kung puso’y mahina, sa buhangin na lang iguhit

Ang ligayang pangarap mo at nais makamit.

More Poems/Tula

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here