Culling Operation Sa Mga Baboy Na Nagpositibo Sa ASF, Nagsimula Na

Matapos magpositibo sa ASF o African Swine Fever ang mga baboy sa Don Marcelino Davao Occidental, sinimulan na nga ang pagpatay sa mga ito kaninang umaga. Nasa labingtatlong libong baboy ang isasailalim sa culling operation hanggang biyernes. Batay sa protocol, ang paglilibingan sa mga ito ay nasa anim na talampakan ang lalim. Dahil dito ay lugi na ang mga may-ari ng baboy pero tiniyak naman ni Davao Occidental Governor Claude Bautista  na sila ay agad ding mababayaran at makakatanggap ng limang libong piso kada isang baboy. Naglaan ng 100 milyon pesos ang probinsya para matulungan ang mga apektadong magbababoy. Ang katabing bayan ng Don Marcelino na Malita ay naghigpit na rin at naglagay na ng checkpoint para makatiyak na walang baboy ang makakalusot at anumang produkto ng baboy. Bukod sa mga lugar na ito, isa pang barangay sa Santa.Maria ang kinumpirma ng Municipal Agriculturist na nagpositibo na rin ang baboy sa ASF.

Ayon kay Municipal Agriculturist Wendell Albasin, pito na ang namatay  nang sunud-sunod noong first and second week ng Enero. Kaya naman ang negosyo sa kanilang bayan ay naapektuhan na rin. Aminado ang LGU na hindi sila handa sa nangyari dahil karamihan sa kanilang residente ay nabubuhay sa pag-aalaga ng baboy. Dahil sa mga pangyayaring ito ay nag-aalala ang Mayor ng Santa Maria na si Rudy Mariscal na baka sila ay kulangin sa pondo na gagamitin para ipangtulong sa mga residente nilang apektado ng ASF. Sa Lingayen Pangasinan naman ay nasa isandaan ang baboy na sumailalim sa culling operation sa isang barangay doon matapos magpositibo ang  walong baboy. Habang ginagawan pa ng paraan ng ating gobyerno kung paano masosolusyunan ang problemang ito ay dapat muna tayong makiisa. Kung apektado ang iyong baboy ay huwag na tayong kumontra sa dapat gawin para maiwasan na ang pagkalat nito at hindi na dumami pa ang maapektuhan. Aanhin natin ang kita mula rito kung marami naman ang malalagay pa sa kapahamakan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here