Coronavirus, Mahigpit Na Binabantayan Ngayon

Iniimbestigahan ngayon ang isang  limang taong gulang na batang lalaking chinese sa hinihinilang kaso nito kaugnay sa pinangangambahan ngayong coronavirus. Ito ang ipinahayag ni Health Secretary Francisco Duque, martes, January 21. Mula sa Central Chinese City of Wuhan, dumating ang batang lalaki sa Cebu City na nagtataglay ng ubo, lagnat at iritasyon sa lalamunan. Bagamat nagnegatibo ang bata sa SARS-CoV at MERS-CoV, nagpositibo naman ito sa non-specific pancoronavirus. Kaya ang sample nito ay ipinadala pa rin sa Victorian Infectious Diseases Reference Laboratory sa Australia upang matiyak kung anong uri ng coronavirus ang dumapo sa bata.

Ano nga ba ang tinatawag na coronaviruses? Ito ay isang malaking pamilya ng mga viruses magmula sa pinakakaraniwang sipon hanggang sa pinakamalala tulad ng tinatawag na Middle East Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Sa Wuhan China ay may 218 na ang na-infected sa pinakabagong coronavirus na nadiskubre. Ang mga sintomas ng coronavirus ay ubo, sipon, sore throat, posibleng pananakit ng ulo at lagnat na maaaring tumagal ng ilang araw. Kaya dapat nating palakasin ang ating immune system upang makaiwas sa ganitong uri ng sakit. Dahil ang mga tao na may mahihinang immune system partikular na ang mga matatanda at bata,sila ang may mas malaking tsansa na dapuan ng ganitong karamdaman.

Madali lamang maipasa ang ganitong sakit. Sa pamamagitan lang ng simpleng pakikipagkamay, pag-ubo ng walang takip ang bibig o pagbahin ay maaari na itong makahawa.Gayundin ang paghawak sa mga bagay na hinawakan ng taong infected. Wala pang gamot laban sa mga viruses na ito kaya kinakailangan ng pag-iingat sa sarili. Iwasang makihalubilo sa mga taong maysakit.Huwag ka rin magpapahawak sa iyong mata, ilong at bibig. Ugaliin din na maging malinis sa katawan at palagiang maghugas ng kamay. Ang mga ganitong uri ng sakit ay lubhang mapanganib din sa mga nadadalangtao. Kaya naman ang coronavirus ay masusi ngayong binabantayan upang wala ng makapasok pa sa ating bansa na nagtataglay nito.

SHARE
Previous articleMGA “DAPAT” AT “HINDI DAPAT” IPANREGALO NGAYONG CHINESE NEW YEAR
Next articlePamahiin Basag na salamin: Kamalasan ang hatid

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here