CORONA-VIRUS AT IBA PANG PROPESIYA SA TAONG 2020 NG BUDDHIST MONK NA SI ZIGONG

Habang ang sangkatauhan ay nalalagay sa balag ng alanganin, mga kahirapan— at mga katanungang nais magkaroon ng kasagutan sa buhay na ito; may ilang tao nagsisikap o nagpupunyagi pa ngang inaalisa ang mga kasalukuyang pangyayari. May ilan naman na naghahangad na masagot ang mga hiwaga at mga misteryo sa nakaraan. Sa gayun ay malaman nila ang nararapat na gawin sa hinaharap.

At sa kasalukuyan ngang nangyayari sa kanilang bansa, saka napagtanto at naalala ng mga Chinese people, na ang paglaganap ng kinatatakutang sakit ngayon ay katuparan ng propesiya ng Buddhist mon na nangangalang ‘Zigong’. Anila, nahulaan ng monghe ang pagdating at paglaganap ng coronavirus isandaan taon na ang nakararaan o noong taong 1920. Samakatuwid baga’y, kung ano ang mangyayari sa China sa taong 2020.

Sa China, ang mga tala ay ipinagbabawal kung ito ay kumokontra sa idelohiya ng Komismo. Gayunman, ang mga Chinese na naninirahan sa sa Estados Unidos ay naglathala ng full text  ng nasabing propesiya  ni Zigong sa internet— na iniliwat o isinalin sa wikang English. Kaya nga lamang, ang impormasyon na iprinisenta ay hango sa ating modernong kalendaryo.

Ang propesiya ni Zigong ay nahahati sa apat na kalipunan, mula First hanggang Fourth Act.

Nakasaad sa First Act ang pagkakaroon ng (novel) Corona-virus (NCov-2019) na lalaganap sa taong 2020.

 “The year 2020 – The year all of China will weep. The omens will be so bad that the New Year will not be celebrated. Then the plague will come. It will come with a fury – the tigers and the wolves will hide in the mountains.”— isang parirala na nakasaad sa libro batay sa ipinahayag na propesiya ng Budistang monghe.

“The plague will encompass all the land – and will eventually spread to the whole world. Very soon – rice will become so expensive that no one can eat. Then the rivers will sink all the boats.”

Nakasaad din sa aklat na taong 2020 (kasalukuyang taon), ang mga Tsino ay mag-aani ng bigas sa napakaagang tagsibol, at wala nang aanihin sa late season ng bigas, beans, wheat at oaths. Mananalasa rin ang laksa-laksa o tila ulap sa kapal na baling ang buong lupain. Iginiit din sa hula ni Zigong na babagsak ang mga balang sa himpapawid at sa ganitong paraan makukumpleto ang pagkapinsala ng lupain. Magkakaroon din ng usok at apoy sa mga parang at kabukiran. Subalit, walang sinomang makapipigil sa napakakapal na balang. Ang pasaheng ito ay nakasaad sa Second Act.

Kapag napinsala na ng lubusan ng mga balang ang lupain at patuloy ang pagpainlanlang ng usok sa lupa, sasalantahin naman ng baha ang lupa. Gayunman,nakasaad din sa propesiya kung papaano makakaiwas o makakayanan ang mga kaabahang mangyayari sa China na hinulaan ng kanilang monghe. Bukod dito, nasa peligro ring manalasa ang paglindol at pagputok ng bulkan saanmang dako sa Tsina na nabanggit sa Third Act — at pagkatapos nito ay ang pananalasa ng malaking pagbaha sa iba’t-ibang rehiyon o lupain ng bansa.

Kabilang na ang payo na mag-ipon ng pera at pagkain. Maging malapit sa mga kaanak at kapwa. Sa gayun ay magtulungan kapag oras na ng kagipitan.

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; Pebrero 28
Next articlePamahiin Tambay: Mamalasin ka talaga
Ravenson Biason: Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here