Contessa April 12; Ang muling pagluha ni Bea

Sa Contessa April 12, Hindi man nagtagumpay ang pamilya Imperial na ipapatay si Bea (Glaiza de Catsro) ay nagawa naman nila itong pagluksain dahil sa pagkamatay ng anak nito. Kapag anak ang nawala, higit kaninuman ay ina ang labis na masasaktan. Ito mismo ang ipinaramdam sa atin ni Bea. Walang tigil ang pag-agos ng luha niya na dinagdagan pa ng paninisi sa kanya ni Helen (Melissa Mendez) ang ina ni Gabriel (Geoff Eigennman). Sinisisi niya si Bea, dahil sa kapabayaan raw nito ay namatay ang apo niya. Inawat ni Gabriel ang ina at inilayo na ito kay Bea. Sa kabila ng paninisi ng ina ay nagawa pa ring i-comfort ni Gabriel si Bea dahil naaawa siya rito at naiintindihan niya ang pinagdadaanan nito. Habang si Bea ay tinanggap ang paninisi sa kanya ni Helen dahil totoo naman daw na may kasalanan siya. Inamin ni Bea na hindi dapat siya naging makasarili at kung pumayag lang siya noon na ang mga Caballero na ang kumupkop sa bata dahil nakakulong siya, hindi sana nangyari ito, sana ay buhay pa ang kanyang anak. Pero ayaw siyang sisihin ni Gabriel, nauunawaan niya ang mga naging desisyon ni Bea at alam niya kung gaano ang hirap na pinagdaanan nito.

Samantala, hindi naman satisfied ang mga Imperial sa naging resulta ng kanilang mga plano. Kahit pa nagdurusa si Contessa ngayon ay hindi sila kuntento. Gusto ni Donya Charito (Chanda Romero) na magpalamig na muna pero hindi sang-ayon dito si Daniella ( Lauren Young) gusto talaga niyang mawala sa landas nila si Bea.

Gaano man kasakit ang nararamdaman ni Bea, hindi siya papayag na magmukmok na lang. Iniisip rin niya ang gumanti sa mga taong pumatay sa mga mahal niya sa buhay at naglagay sa kanya sa kulungan. As usual, may tutulong sa kanya para makabangon at gawin ang dapat niyang gawin. Hindi na bago ang ganitong konsepto. Ilang ulit ko na ring napanood sa mga teleserye ang mga ganitong eksena. Ang aabangan na lang natin ay kung ano ang naiibang twist ang gagawin nila para maiba ang serye at makawala sa lumang istilo. Alamin natin kung paano babangon si Bea bilang Contessa.

More TV Reviews

More Bios

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here