Commentary May 25: Dahilan kaya nakakatagpo ng kaaway

Ang Commentary May 25 ay tungkol sa problema ni Gina J. Quintos, “Bakit lagi akong napapaaway sa trabaho ko 

Sagot: 

Medyo mahirap ang tanong dahil wala naman ako sa paligid mo para makita ang dahilan. Gayunpaman, may ilang senaryo akong naisip na maaaring maging dahilan kaya ka laging napapaaway sa trabaho mo. Eto ang mga naisip kong mga posibilidad kaya lagi kang nakakatagpo ng kaaway sa’yong trabaho.  

Una, baka naman ikaw ‘yung tinatawag na pabida. Ibig sabihin, ‘yung laging nakabuntot kay Boss para ipakita mo kung gaano ka kagaling sa’yong trabaho. Okay lang naman iyon, maaari ngang gusto mong ipa-realize sa’yong boss kung gaano ka kagaling. Gayunpaman, may mga pagkakataon na kahit na ipinapakita mo na ang the best mo, kahit sabihin o pang sinusunod mo lamang naman ang lahat ng nais ng boss mo, may mga kasamahan ka pa rin na hindi nagugustuhan ang ginagawa. Ang agad kasing iisipin nila ay sumisipsip ka lang.  

Pangalawa, hindi ka marunong makisama.  Hindi maaaring kaya ka lang nasa opisina dahil magtatrabaho ka. Kailangan din namang makipag-bonding ka sa’yong mga katrabaho. Kaya lang, hindi ka dapat maging sobrang close sa kanila dahil hindi mo alam ang kanilang tunay na pag-uugali. Maaaring ang mga malalaman nila tungkol sa’yo ay gagamitin nila para ikaw ay kanilang siraan. Hindi ko naman sinasabi na maging plastik ka. Ang dapat lang, maging matalino ka. Makisama ka pero huwag mo naman ibibigay sa kanila ang mga maaaring maging bala nila para siraan ka.  

Pangatlo, sadyang kinaiinggitan ka ng mga kasamahan mo.  Kahit naman marunong kang makisama,hindi pa rin dahilan iyon para maging okay ka sa lahat lalo na kapag ang isang kasamahan sa’yong trabaho ay talagang kinaiinggitan ka. Ang dahilan nito, magaling ka kasi kaya naman guagawa siya ng paraan para ma-distract ka.  

Kung isa sa mga ito ang dahilan kaya ka madalas na nakakatagpo ng kaaway sa trabaho, ang tanging maipapayo ko sa’yo, huwag mong masyadong pairalin ang iyong emosyon. Iyan kasi ang magiging daan para hindi ka magkaroon ng tahimik na pamumuhay. Kung may nagagalit kasi sa’yo tapos nakikita na pikon ka, ang gagawin niya ay aasarin ka pa nila.  

Kaya, ang maipapayo ko sa’yo, huwag mong paiiralin ang emosyon. Maging matalino ka palagi. Bago ka kumilos, isipin mo muna ng mabuti. Hindi rin naman masama na ngitian mo na lang sila kapag nakikita mong pinipikon ka nila. Kapag nagawa mo iyon, tiyak na sa huli ay titigil na rin sila sa masasamang ginagawa nila sa’yo dahil alam nila na hindi mo naman sila papatulan. 

Ikaw, may maipapayo ka ba sa sender natin sa Commentary May 25?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here