Chinese Horoscope; Hunyo 30

130

DAGA (RAT)

Huwag ka ng mag-aksaya ng panahon sa mga walang kwentang bagay. Alam mo na marami kang kailangang gawin. Mga bagay na mas dapat mong pagtuunan ng pansin para sa ikabubuti mo at ng iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 18,19,20,22

BAKA (OX)

Mauudlot ang pagbabalik mo sa trabaho dahil sa isang hadlang. Pero wala kang dapat ipag-alala dahil madiskarte kang tao. Makakagawa ka pa rin ng paraan para magkaroon ka ng mapagkakakitaan at hindi magugutom ang iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 43,44,46,50

TIGRE (TIGER)

Dahil malayo ang kamag-anak ng iyong kaibigan sa kanya, ikaw na muna ang magiging pamilya niya ngayon kaya naman ikaw din ang inaasahan niyang makakatulong at makakatuwang niya sa lahat ng bagay.

Masuwerteng numero; 5,11,13,24

KUNEHO (RABBIT)

Ayaw mo pa sanang matapos ang araw na ito dahil sa dami ng gawain na iyong kinakaharap. Gusto mo na lahat ay matapos mo ngayon. Pero sadyang mabilis ang oras lalo na kung ito ay ninanais mong mapabagal.

Masuwerteng numero; 1,2,5,6

DRAGON (DRAGON)

May iindahin kang sakit sa iyong katawan na ipagsasawalang bahala mo lang. Umpisa na ito ng isang bagay na ayaw na ayaw mo at takot kang mangyari sa’yo. Pero maaagapan mo ito kung bibigyan mo ng atensyon.

Masuwerteng numero; 23,32,34,43

AHAS (SNAKE)

Maging maingat sa pagsali sa mga grupo na hindi mo alam ang tunay na intensyon. Malaki ang posibilidad na masilaw ka sa ganda ng kanilang alok at dami ng oportunidad pero maaari kang magsisi sa huli.

Masuwerteng numero; 40,50,51,52

KABAYO (HORSE)

Madadala ka sa iyong emosyon sa araw na ito. Hindi mo man sinasadya ay maisisiwalat mo ang tunay mong nararamdaman sa isang tao na malapit sa’yo. Ito na ang pagmumulan ng malalim ninyong hidwaan.

Masuwerteng numero; 15,20,21,24

TUPA (SHEEP)

Kahit na alam mong walang pag-asa ay magbabakasakali ka pa rin sa isang kakilala na mapagbigyan ang iyong kahilingan. Maganda ang idudulot nito sa’yo kung mapapagbigyan ka ng pabor, pero huwag kang masyadong umasa.

Masuwerteng numero; 7,17,28,34

UNGGOY (MONKEY)

Wala kang pakialam kung mabawasan man ang iyong kaibigan. Mas mahalaga sa’yo ngayon na nasa tabi mo ang iyong pamilya na siyang tunay na sumusuporta at nagmamahal sa’yo. Sa kanila ka na magpopokus.

Masuwerteng numero; 38,39,46,50

TANDANG (ROOSTER)

Wala kang dapat ipag-alala sa isang tao na minsan mong binigyan ng pabor. Marunong siyang tumanaw ng utang na loob kaya hinding hindi ka niya ilalaglag. Mananatiling buhay sa kanya ang mabubuti mong nagawa.

Masuwerteng numero; 7,13,14,21

ASO (DOG)

Mawawalan ka ng gana na lumabas ngayong araw. Kahit pa may mahalagang okasyon kang dapat puntahan. Mas pipiliin mo pa rin na magkulong sa bahay sa buong maghapon at huwag magpakita kaninuman.

Masuwerteng numero; 54,67,68,71

BABOY (PIG)

May suwerte kang matitisod sa daan ngayong araw. Magkakaroon ka ng pagdadalawang isip kung iga-grab mo ito pero sa huli ay mapagpapasyahan mo ring tanggapin. Para sa’yo talaga ito kaya hindi mo dapat pakawalan.

Masuwerteng numero; 8,12,14,16

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here