Chinese Horoscope;Hulyo 15

0
978

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Bantayan mo ang iyong kalusugan dahil malapit ka ngayon sa karamdaman.Ang papalit palit na panahon ang siyang magiging sanhi nito. Sikapin na hindi makapagpatuyo ng pawis at umiwas sa lugar na masyadong matao at expose sa alikabok.

Masuwerteng numero; 19,20,34,43

BAKA (OX)

Walang mangyayaring hindi maganda kung hindi mo pahihintulutan na makapasok sa iyong pamilya ang isang tao na sa umpisa pa lang ay alam mo nang hindi magiging maganda ang pagtanggap ng mga miyembro ng pamilya.

Masuwerteng numero; 1,13,27,28

TIGRE (TIGER)

Ikaw ang higit na nakakaalam kung ano ang makakabuti para sa inyong grupo sa trabaho. Nasa sa’yo ang tiwala ng buong team kaya’t nararapat lang na gawin mo ang iyong responsibilidad at iwasan na makinig sa hindi mo ka-grupo.

Masuwerteng numero; 5,16,30,56

KUNEHO (RABBIT)

Maiipit ka sa sitwasyon na kakailanganin mong mamili sa pagitan ng iyong kamag-anak at karelasyon. Hindi naman ito nangangahulugan na puputulin mo na ang relasyon mo sa isa sa kanila, kundi magpapatunay lamang kung sino sa kanila ang mas may halaga sa’yo.

Masuwerteng numero; 15,29,47,61

DRAGON (DRAGON)

Bawat oras na lilipas sa araw na ito ay magiging makabuluhan para sa’yo dahil makakasama mo ang isang tao na importante sa buhay mo. Hindi mo hahayaan na makaramdam siya ng boredom sa piling mo.

Masuwerteng numero; 7,18,19,22

AHAS (SNAKE)

Matatapos na rin ang pag-aalala mo sa isang miyembro ng inyong pamilya na nasa malayong lugar. Sa wakas ay makakaabot na sa inyo ang balita na nasa mabuti siyang kalagayan at hindi nyo na siya dapat pang alalahanin.

Masuwerteng numero; 25,34,39,40

KABAYO (HORSE)

Magiging mailap sa’yo ngayon ang suwerte. Bagamat hindi pa darating ang inaasahan mong salapi ay hindi naman ito makakaapekto sa’yong daily routine.Makakaraos ka pa rin at mapagkakasya mo pa rin ang iyong budget.

Masuwerteng numero; 50,56,66,67

TUPA (SHEEP)

Kakailanganin mo na talagang pagtuunan ng pansin ang pag-eehersisyo na matagal mo nang binabalak gawin. Ngayon na ang tamang pagkakataon para simulan ito at kailangan mong ipagpatuloy sa mga susunod pang araw.

Masuwerteng numero; 10,11,21,35

UNGGOY (MONKEY)

Maglaan ng oras para gawin ang isang libangan. Malaki ang maitutulong nito sa’yo para ma-enhance ang iyong personalidad. Kailangan mo ito sa trabaho at sa pang-araw araw mong buhay kung gusto mo ng pagbabago.

Masuwerteng numero; 18,37,48,49

TANDANG (ROOSTER)

Hindi ito ang tamang pagkakataon para ituloy mo ang planong pag-alis. Hangga’t maaari ay ipagpaliban mo muna ito kung gusto mo na maging successful ang iyong mga balakin. Makinig ka sa sinasabi ng iyong mahal.

Masuwerteng numero; 20,38,41,53

ASO (DOG)

Kung nais mong maliwanagan sa isang bagay ay daanin mo ito sa mahinahong paraan. Diplomasya ang kailangan para lubos na magkaintindihan. Kung makikinig ka sa mga sawsawera sa paligid mo ay mapapasubo ka lamang sa mas malaking gulo.

Masuwerteng numero; 8,19,26,27

BABOY (PIG)

Ikaiirita mo ang hindi pagpaparamdam ng iyong mahal. Maraming hindi magandang bagay ang maglalaro sa isip mo at magiging balisa ka dahil dito. Subukan mo munang kumalma at hintayin ang paliwanag niya sa oras ng inyong pagkikita.

Masuwerteng numero; 13,42,74,75

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here