Chinese Horoscope;Enero 5

0
311

DAGA (RAT) May isang tao na magpaparamdam sa’yo. Matagal ka na niyang gusto at malaki ang paghanga niya sa’yo.Subalit alam niya na hindi mo na masusuklian ang damdamin niya. Gayunpaman hindi niya maiiwasan na magparamdam. Masuwerteng numero; 8,10,11,12

BAKA (OX) Isang bagong oportunidad ang kakatok sa iyong pintuan. Bagamat ito ay isang oportunidad, may advantage at disadvantage din itong maidudulot sa’yo at sa iyong pamilya kaya naman kakailanganin mo itong pag-isipan. Masuwerteng numero; 1,12,23,30

TIGRE (TIGER) Makakaramdam ka ng katamaran ngayong araw na ito. Kaya naman ang mga nakapilang gawain ay ipagpapabukas mo na lang. Ang buong araw mo ay magugugol sa mga social network sites. Hindi naman ito masasayang dahil makakahanap ka rito ng mapagkakakitaan. Masuwerteng numero; 2,4,15,16

KUNEHO (RABBIT) Masuwerteng araw ito para sa negosyo. Kung ikaw ay meron na nito dapat mo itong tutukan ngayon para hindi makalampas ang suwerte. Kung wala pa naman ay suwerteng araw ito para ikaw ay mag-umpisa. Masuwerteng numero; 3,5,7,8

DRAGON (DRAGON) Isang kapitbahay ang mananaghili sa’yo dahil sa dami ng biyaya mong natatanggap. Kaya naman ngayong araw ay hindi niya maiiwasan na maiparamdam sa’yo ang kanyang inis. Kilala mo ang sarili mo kaya hindi ka papatol. Masuwerteng numero; 6,17,28,30

AHAS (SNAKE) Maliban sa’yong trabaho ay wala ka ng ibang bagay na nais pagkaabalahan sa ngayon. Maraming araw ang nasayang kaya naman pipilitin mong makabawi. Sisikapin mo na mahabol ang mga trabahong hindi mo natapos noong nakaraang taon. Masuwerteng numero; 6,17,25,26

KABAYO (HORSE) Isang kamag-anak ang lalapit sa’yo para humingi ng tulong. Hindi mo siya magagawang hindian dahil marami na rin siyang naitulong sa’yo. Ang magiging problema mo ay wala kang maitutulong sa kanya ngayon dahil ikaw mismo ay nangangailangan ng tulong sa kasalukuyan. Masuwerteng numero; 3,14,15,26

TUPA (SHEEP) Hindi mababalewala ang mga pinaghirapan mo dahil maganda ang kauuwian nito. Hindi lang ikaw ang makikinabang nito kundi lalo’t higit ang iyong pamilya. Ikaw lang ang maaasahan nila at hindi mo sila bibiguin. Masuwerteng numero; 4,7,9,12

UNGGOY (MONKEY) Isang bagong kaibigan mula sa social media ang magbibigay sa’yo ng inspirasyon para gumawa ng mga bagay na makakabuti hindi lang para sa iyong sarili kundi para sa nakararami. Maiimpluwensyahan ka niya ng husto. Masuwerteng numero; 1,11,20,23

TANDANG (ROOSTER) Hindi magiging maganda ang hininga sa’yo ng isang nakatataas sa trabaho at susubukan niyang sirain ang araw mo. Pero hindi ka magpapatinag. Gamay mo na ang iyong trabaho at wala kang ibang gagawin kundi pagbutihan na lang ito. Masuwerteng numero; 14,25,27,29

ASO (DOG) Sisimulan mo na ngayon ang pagtupad sa goal mo. Ilang taon ka nang sumusubok pero sa taong ito ay hindi ka na papayag na muli ka na namang mabibigo. May kinalaman ito sa iyong kalusugan kaya iyo nang pagbubutihan. Masuwerteng numero; 7,18,19,30

BABOY (PIG) Magiging malakas ang pakiramdam mo ngayon sa iyong mahal. May konting pagdududa sa iyong isipan kung kaya’t makakabuo ka ng plano para siya ay manmanan. Ang bawat kilos niya ay palihim mong oobserbahan. Masuwerteng numero; 3,14,26,29

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here