Chinese Horoscope Setyembre 30, 2022

DAGA (RAT)

Ang pagsisilbi mo sa iyong mga magulang na hindi naghihintay ng anumang kapalit mula sa kanila ay nangangahulugan ng magandang buhay sa hinaharap kahit hindi mo man ito hilingin. Magsisimula na ngayon ang iyong good karma.

Masuwerteng numero; 12,19,28,30

BAKA (OX)

May taglay kang suwerte ngayong araw na ito na hindi lamang ikaw ang makikinabang. Makakahawa rin sa iba ang iyong suwerte kaya naman asahan mo na ang mga magagandang kaganapan para sa’yo sa buong maghapon.

Masuwerteng numero; 6,8,9,19

TIGRE (TIGER)

Hindi mo maiiwasan ang isang tao kahit ayaw mo siyang Makita. Nasa iisang departamento lamang kayo kaya iisa lang ang lugar sa trabaho na inyong gagalawan. Lalo pa at magkakasama kayo ngayon sa isang proyekto.

Masuwerteng numero; 45,47,48,50

KUNEHO (RABBIT)

Gaano man kabigat ang mga problemang pinagdaanan mo ay palagi mo pa ring pinipili na maging mabuting tao. Kaya naman susuklian ng langit ang iyong kabutihan at kakamtin mo ang sukli na ito ngayong araw.

Masuwerteng numero; 32,34,37,48

DRAGON (DRAGON)

Kahit na anong paalala mo sa sarili ay hindi pa rin mangyayari ang nais mo. Mahihirapan ka pa ring kumalma sa harap ng isang mahirap na sitwasyon. Tulad ng dati ay magpapadalos dalos ka pa rin sa pagdedesisyon.

Masuwerteng numero; 7,11,13,14

AHAS (SNAKE)

Isang dating kapitbahay ang muli mong makakakrus ng landas sa isang pagtitipon. Marami kayong mapapagkuwentuhan at hindi mo inaasahan na sa tagal ng hindi nyo pagkikita ay may mga sikreto ka pang malalaman mula sa kanya.

Masuwerteng numero; 40,48,50,57

KABAYO (HORSE)

Hindi mo matatanggihan ang iaalok sa’yo ng isang bibisitang kaibigan. Bagamat alam mo na kailangan mong magtipid ay alam mo rin na matagal mo ng gustong magkaroon ng bagay na iaalok niya sa’yo ng mas mura sa iyong inaasahan.

Masuwerteng numero; 6,8,20,22

TUPA (SHEEP)

Gustuhin mo man na ituloy ang planong pagbibiyahe ngayong araw para dalawin ang isang kamag-anak ay hindi ito matutuloy. May biglaan kang lakad na mas kailangan mong unahin kaysa sa anupamang ibang lakarin.

Masuwerteng numero; 40,41,43,60

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mo maitatago sa mga kasama mo sa bahay ang sobrang excitement mo tungkol sa isang proyekto na magsisimula sa lalong madaling panahon. Ito ang proyektong pinakahihintay mo at gusto mo talagang gawin.

Masuwerteng numero; 15,30,31,34

TANDANG (ROOSTER)

Magkakaroon ka ngayon ng isang magandang pagkakataon para tanggihan ang isang bagay na pinakaaayaw mong gawin. Mas pipiliin mo ngayon na magpakatotoo kaysa pagbigyan sila na wala namang naitutulong sa’yo.

Masuwerteng numero; 30,39,40,53

ASO (DOG)

Hindi ka mabibigo sa nais mong mangyari ngayong araw. Darating ang tao na inaasahan mo at mapapag-usapan nyo ang mga bagay na mahalaga. Hindi masasayang ang oras na ilalaan mo sa kanya dahil sa magandang resulta ng inyong pag-uusap.

Masuwerteng numero; 50,60,67,68

BABOY (PIG)

Isang tao na minsang naging malapit sa’yo ang muli mong makakausap sa social media. Gaano mo man kagusto na muli kayong magkita at magkausap ng personal ay batid mong hanggang internet na lang muna ang inyong komunikasyon.

Masuwerteng numero; 63,72,75,79